Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
PINAG-uusapan ngayon sa apat na sulok ng ShowbizWorld ang AMBS- Advanced Media Braoadcasting System na pag-aari ng businessman and former Senator Manny Villar.
Ayon sa aming source, pansamantala daw muna na ititigil nito ang kanilang operation at babalik na lang sila sa ere pag naayos na ang problema sa loob ng network.
Kung ating matatandaan, simula nang pinasok ng mga Villar ang Entertainment industry matapos nitong mabili ang frequency ng ABS CBN, marami ang nagdiwang kasi mabibigyan ng trabaho ang mga natanggal sa ibang network.
Isang malaking hamon sa GMA 7 at TV5 ang pagpasok ng AllTV, kasi nga alam naman ng lahat na si former Sen. Villar ay sobrang yaman at kaya niyang mag-offer ng malaking halaga sa malalaking artista para lang lumipat sa sarili niyang Network.
Lalong umingay ang AllTV nang mag- resign si Willie Revillame sa Siyete at lumipat sa AMBS.
Kasunod nu’n kinuha nila si Toni Gonzaga para ipagpatuloy sa free TV ang kanyang Toni Talk na sumikat sa YouTube.
Nagkaroon na rin sila ng MOMS program or Mhies on a Mission hosted by Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto and Mariel Rodriguez.
Pero tila ang show lang ni Kuya Wil na “Wowowin” ang pinapanood ng televiewers. Ang ibang show na produced ng AllTV ay Zero ang rating. ibig sabihin, hindi ito nararamdaman.
Kaya nitong first week of February 2023, nagdesisyon ang management na mag-sign off muna at babayaran na lang kung magkano ang pinirmahan nila sa kontrata.
Maswerte naman itong mga artista na pumirma sa Villar network dahil babayaran sila nang buo na hindi nila napagtrabahuhan.
Well, ganuon talaga ang buhay ng mga artista, hindi mo malalaman kung hanggang kelan eere ang kanilang show…Abaw Ah!!!
***
SA ngayon may kumakalat na hindi lang ang programang Toni Talk at MoMS ang mawawala sa ere kundi pati rin daw itong show ni Kuya Wil.
Pero sinabi ni Willie, abangan na lang daw kung ano ang magiging desisyon ng AMBS management tungkol sa pansamantalang sign off ng AllTV dahil hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na sulat at puro lang haka-haka.
Sinabi pa ni Kuya Wil, “You to understand, nagsisimula pa lang po ang AllTV. Nagsisimula pa lang kami, sanggol pa lang ito. Talagang wala pang commercial na papasok dito kasi wala pa kaming reach. Wala pa kaming signal. Simula pa lang, e”.
Ito ang kanyang mga pahayag na tila may pagkakainis kasi nga marami ang natutuwa at nagdiwang pa sa kanilang nabalitaan.
Ang sinasabi ko lang…” ito ang mga ginawa ng programang ito. Sana hindi mawala ito kasi tumutulong ito sa gobyerno, e. Hindi nga lang sa gobyerno tumutulong ito kundi sa ating mga kababayan na nangangailangan, tapos madidinig niyo lang na mawawala, natutuwa kayo.
“Matutuwa ba kayo na may mga kababayan tayong natutulungan na mawawalan?
“Dapat ipagdasal niyo kami na magtuluy-tuloy yung programa, tapos ang dami niyo pa sinasabi….buti nga sa iyo kasi ang yabang yabang niyo”, pahayag ng magaling na TV host…Abaw Ah!!!