Advertisers

Advertisers

Pokwang gustong bawiin ang socmed accounts kay Lee; Jhasrick binansagang bagong KathNiel

0 154

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA interview ni Pokwang sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi niya na kumukonsulta siya sa abogado para mabawi ang YouTube at social media accounts na kanilang pinaghahatian noong maayos pa ang pagsasama nila ng dating live-in partner na si Lee O’Brian.
“Meron po kaming mga gustong bawiin na, like yung YouTube channel namin. Siya po kasi ang nagmo-monetize nun, siya po ang nagha-handle.
“Ang feeling ko, dapat mabawi na namin yon. Hindi po kami nag-file ng case.
“Inaayos lang po yung sa custody ng bata at saka yung dapat naming mabawi na lang, yung YouTube channel at saka yung social media.
“Saka yung iano namin kay Malia kasi, sa totoo lang, five years kang [Lee] hindi nag-aabot, alam mo yan.
“Pero nanahimik ako… nanahimik ako,” humahagulgol na sabi ni Pokwang kay Kuya Boy.
Nang itanong ni Kuya Boy kung anong aral ang natutunan ni Pokwang sa pakikipagrelasyon nito kay Lee na nais niyang ibahagi sa kanyang dalawang anak na babae na sina Mae at Malia, ang sagot niya,”Magtira kayo para sa sarili ninyo mga anak, kasi ‘yun ang hindi ko ginawa.
“Magtira kayo para sa sarili niyo para kung dumating ‘yung tamang tao, meron pa kayong ise-share na pagmamahal para sa tamang tao sa buhay niyo.”
***
ANG mga tagahanga ng isang loveteam, ang gusto nilang mangyari, ay mauwi rin sa totohanan o magkaroon ng relasyon ang mga ito.
Sa kaso ng loveteam nina Jhassy Busran at Heindrick Sitjar, na kilala sa tawag na JhasRick, ang mga fan nila ay umaasa na magiging sila na rin in the future, at hindi lang basta loveteam.
Anong masasabi nina Jhassy at Heindrick tungkol dito?
Sabi ni Jhassy,”Showbz po. Hindi mawawala ‘yung ganoon. Ang masasabi lang namin talaga, we’re both happy kung anuman mero’n kami ngayon. We’re both enjoying each other’s company.
“Masaya kami as individuals, and as partners po, kung anong mangyayari. mangyayari ‘yan. Hindi po natin alam. Pero sa ngayon, we’re both happy.’Yun lang ang masasabi ko,”
“Always choose to be happy,” tanging nasabi lang ni Heindrick.
May ginawang Facebook series sina Jhassy at Heindrick titled Roommate, mula sa direksyon ni Gabby Ramos, at produced ng Rems Films. Noong Sabado nagtapos ito.
Dahil sa success ng Roommate, kaya magkakaroon ito ng season 2.
Happy ang JhasRick na sinuportahan ng tao, lalo na ng kanilang mga tagahanga ang Roommate. Maganda ang feedbacks sa nasabing FB series.
“Actually, hindi ko nga po ini-expect talaga ‘yung mga feedbacks nila,” sabi ni Jhassy.
“Natutuwa po kami na nagandahan sila sa Roommate. So, sobrang happy ko po na nag-grow sa kanila ‘yung serye na ginawa namin.
“Nagwi-wish po sila na magkaroon ito ng season 2. At ayun ng po, dahil sa success ng Roommate kaya magkakaroon po ito ng season 2.
“Yung iba, sinasabi, FB lang, walang kita, ganoon, ganoon”.
Free lang kasing napanood ang Roommate sa FB.
Patuloy ni Jhassy,”Pero hindi lang naman po kasi ‘yun ang habol namin dito.
“Parang ang gusto lang naming i-share ay magpasaya, especially our followers.”
“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumuporta ng Roommate especially sa pamilya ko. Talaga pong nanonood sila tuwing Sabado ng gabi.
“Natutuwa po talaga ako, na naging successsful ‘yung FB series na ginawa namin,” sabi naman ni Heindrick.
Sinasabing sila ang bagong Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng Facebook dahil nga sa naging matagumpay ang kanilang Roommate. Anong feeling sa ganoong tawag sa kanila?
“Actually, it’s an honor po na matawag na ganoon. Siyempre alam namin, KathNiel na po sila. Kami nag-start pa lang. And then ‘yung ibang tao, ang tawag sa amin, ganoon.
“So, sobrang nakakatuwa na nakikita nila ‘yung ganoon sa aming dalawa.
“Kami naman, honestly ako, hindi ko siya naiisip na ganoon. Pero naiisip nila sa amin ‘yun.
“So I’m very thankful and and at the same time happy, na ganoon ‘yung thinking nila sa amin.
“Parang naiisip namin, effective talaga yung loveteam namin. Kasi kinikilig sila kapantay ng ng pagkakilig nila sa KathNiel.”
Ayon naman kay Heindrick,”Thankful ako na naa-appreciate nila ‘yung loveteam namin. Ang sarap sa feeling nu’ng ganoon. Siyempre, why not? (na tawagin silang KathNiel ng FB)
“Kung yun ang tingin sa ‘yo ng mga tao, sobrang nakaka-proud sa sarili mo.”