Advertisers

Advertisers

RESPETO SA BLUE RIBBON COMMITTEE HEARINGS!

0 6,948

Advertisers

Mandato ng SENATE at HOUSE OF REPRESENTATIVES ang magpatawag ng pagdinig sa mga isyung kontrobersiyal upang masupil ang mga katiwalian na laging mangingibabaw ang respetuhan sa pagitan ng mga nagsisiyasat at mga resource person.

Gayunman, magkaminsan ay nadadala sa mainitang diskusyunan na tila nakaligtaan ng ilang mambabatas na may iniingatang moral ang mga RESOURCE PERSON ay nawawasak naman sa sistema ng mga pagdinig.., na dapat ay nabibigyan ng RESPETO at PROTEKSIYON ang mga ito, dahil bahagi sila ng pagrereporma para sa mga lilikhain at ipaiiral na batas sa ating bansa.

Ang mga pagdinig ay napoprotektahan ng mga patakaran ng komite ang mga testigo.., at ang mga resource person ay maaaring magdala ng legal na tagapayo kapag sila ay isinalang na sa panunumpa.



Yun nga lang, may mga pagkakataon na lumalampas ang komite sa mandato dahil sa pagsisikap nilang makakuha ng mga impormasyong mula sa mga saksi ay humahantong sa kalunos-lunos na eksena.

Tulad nitong nakaraang taon nang isailalim sa matinding interogasyon ng BLUE RIBBON PANEL si dating AGRICULTURE SECRETARY LEOCADIO SEBASTIAN na nakakuha ng EXECUTIVE ORDER na nagbibigay sa kaniya ng awtoridad at sa ngalan ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ay inaprubahan nito ang pag-aangkat ng 300,000 metriko tonelada ng asukal noong Hulyo.., na binawi naman ni PRESIDENT BONGBONG ang kaniyang desisyon at ipinag-utos na bawiin ang importation order. Sinunod ito ni SEBASTIAN at gumawa ng bagong panuntunan sa pag-aangkat.

Sa kabila ng mga ebidensiyang suportado ng mga dokumento alinsunod sa ninanais ni PRESIDENT BONGBONG ay inaakusahan pa rin si SEBASTIAN at kaniyang.mga kasama sa katiwalian at sa pekeng pirma ng CHIEF EXECUTIVE.

Dahil sa pagmahal sa presyo at kakulangan sa suplay ng asukal ay naging daan ito para may masisi ang BLUE RIBBON COMMITTEE.

Tulad ni dating DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES na nagpatiwakal dahil sa kontrobersiya noon.., si SEBASTIAN ay isang respetadong opisyal ng gobyerno na dekada na ang naging pagseserbisyo ay nasalang sa matinding pagsubok habang tumetestigo sa harap ng panel.., na nagresulta sa sapilitan nitong pagbibitiw.



Inirekomenda ng BLUE RIBBON COMMITTEE na kasuhan ng katiwalian si SEBASTIAN.., pero, sa pagsusuri sa kaniyang kaso ay nalaman ng OFFICE OF THE EXECUTIVE SECRETARY na sina SEBASTIAN at kaniyang mga kasama sa SUGAR REGULATORY ADMINISTRATION (SRA) ADMINISTRATOR HERMENEGILDO SERAFICA JR at ROLAND BELTRAN ay legal ang kanilang mga ginawa kaya nilinis sila sa akusasyon.

Nilinis man sa iniakusang katiwalian ay nalamatan na ang imahe ng mga nasangkot tulad sa kinaharap na kontrobersiya ng
PROMINENT ENTREPRENEUR AND POLITICAL ASPIRANT na si ROSE NONO LIN at sa kaniyang asawang CHINESE BUSINESSMAN na si WEI XIONG “JEFFREY” LIN.., na si ROSE LIN ay hindi nagkaroon ng anumang posisyon sa PHARMALLY PHARMACEUTICAL.

Sa kabila ng pagdalo sa mga COMMITTEE HEARINGS at sa pagpapakita ng mga katibayan na wala itong kinalaman sa pamamahala ng PHARMALLY PHARMACEUTICAL ay naakusahan pa si ROSE LIN at ang kaniyang asawa na kumita sa umano’y iligal na transaksiyon ng korporasyon. , naging hot issue sa social media sa akusasyon bilang babaeng gumigising araw-araw para humanap ng mga bagong luxury cars sa kaniyang garahe na umano’y produkto sa controversial government contracts.

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga mambabatas para sa HEARINGS IN AID OF LEGISLATION.., na ang mga naging pagkakamali o depektibong sistema na marapat maitama ay kinakailangan ng pormal na mosyon ang maisagawa para sa maling akusado na mapawalang sala at mabayaran.., na ang mga nakagawa naman ng katiwalian ay marapat lamang na makasuhan at mahatulan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.