Advertisers

Advertisers

Dodot on the dot!

0 198

Advertisers

“ Ang sports ay hindi lamang para maging physically-fit ang isang tao, ito’y oara maghubog ng tamang karakter.

Nagtuturo rin ng disiplina na kailangan natin upang maging matagumpay saan mang larangan.

Yan ang diniin ni Vice Mayor Robert “Dodot” Jaworski Jr bilang sagot niya sa tanong na kung gaano kahalaga ang sports sa buhay ng isang mamamayan.



Nandoon tayo sa unang Resibo sa Pasig na talakayan noong Sabado kung saan ang dayunyor ni Big J ang unang naisalang ng Tambuli na samahan na nag-organisa ng event. Nandoon sa pulong ang tagapangulo ng Tambuli ng Pasig na si Roger Saguisag at ang presidente nilang si Noel Medina. Maaga pa sa atin nakarating ang panauhing pandangal.

Inulat din ng asawa ni Mikee Cojuangco sa mga taga-Pasig na kasalukuyang nag-iimbentaryo ang LGU ng mga sports facilities at inaasahan niya na sa katapusan ng buwan ay nasa opisina na niya ang kumpletong report.

Mula raw doon ay makakabagbalangkas na sila ng isang kumprehensibong programa para sa mga residente ng kanilang siyudad. Oo kabilang daw dito ang para sa mga PWD na napabayaan ng nagdaang mga namuno sa kanilang bayan.

Bukod sa sports ay binanggit din niyang magsisimula sila ng isang scholarship fund para sa mga mahihirap sa Pamantasan ng Pasig at Pasig Catholic College. Nagpasa rin ang Sangguniang Panglunsod ng ordinansa na bawal na ang epal na mga pulitiko at kanilang mga propaganda na kinakalat lang sa kanilang mga kalsada, Aayusin din daw nila ang takbo ng konseho na dati ay ni walang minutes of the meeting na ginagawa at hindi ang mga konsehal ang mismong nagprepresinta ng mga panukala.

Sa ilalim daw ni Mayor Vico Sotto ay maaasahan ang tunay na serbsiyo kaya aasenso ang mga Pasigueno.



Eka tuloy ng isang matandang lider doon ay hindi man kasing husay sa basketball ng amang si Jawo ireng si Junior ay tiyak naman na ikararangal bilang magaling na lider ng pamahalaan.

Si Dodot ay nagdribol noon para sa Ateneo Blue Eagles sa UAAP at sa Ginebra San Miguel sa PBA.

***

LeBron scoring record countdown. 36 na puntos na lang kailangan ni LeBron James para madaig ang kaslukuyang numero unong si Kareem Abdul Jabbar sa all-time list ng may pinakamaraming naibuslo sa kasaysayan ng NBA.

Ayon sa mga LBJ fanatic ay mangyayari yan ngayong araw sa game ng Lakers kontra sa Oklahoma City sa Crypto.com Arena.

Mas gusto raw ni King James na sa harap ng hometown crowd ito maitala. Kahit daw umabot sa halagang $95,000 -100,000 ang pinakamahal na tiket ay mapupuno ang venue. Nguni’t gusto ng may jersey #6 ng purple at gold na manalo rin sa laro at makahabol ang koponan sa playoffs o maski sa play-in man lang. Bale wala nga naman ang maging hari sa scoring pero kulelat naman sa standings.

***

Maigi na hindi nakuha ng Lakers si Kyrie Irving sa Nets ngayon. Problematic masyado itong si Kyrie. Wala pa silang first round pick na naipamigay. Tapos sa renewal ng kontrata sa tag-araw ay ibig pa niya ang napakataas na suweldo. Dapat kasi unahin nina Rob Pelinka ang sagutin mga sahod nina Austin Reeves, Dennis Schroder, Leonnie Walker at Rai Hachimura at Thomas Bryant upang manatili sa kanila. Manggagaling ang pondo sa bayad nila sa expiring na si Russell Westbrook.