Advertisers
NADAKIP ang mag-live-in partner nang mahulihan ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City Linggo ng madaling araw Pebrero 5.
Sa ulat ng Quezon City Police District station 14 Holy Spirit, kinilala ang mga dinakip na sina Jonathan Eustuquio, 36, alyas Tan, may-asawa, residente ng 01 Sitio Pasong Tamo, QC; at Normenah Bualan, 28, Compliance Office, may-asawa, residente ng 22 Al Salaam Street, Salam Compound, Brgy. Culiat, QC.
Ayon sa ulat ni Cpl. George Rimorin ng QCPD station 14 Holy Spirit, na nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng Himlayang Road, Brgy. Pasong Tamo, QC 2:30 ng madaling araw.
Nakuha sa mga suspek ang may anim (6) na piraso ng maliit na heat sealed transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na tinatayang 5 gramo na may tinatayang halaga na P34,000.00.
Nakapiit ngayon sa naturang himpilan ng pulis ang mga dinakip at nahaharap sa kasong illegal drugs. (Boy Celario)