Advertisers
IPRINISINTA ng National Capital Region Police Office ( NCRPO) ang mga pamilya at kamag-anak ng mga naging biktima ng ibat-ibang uri ng karahasan kung saan ay ipinagmalaki nila ang mabilis na pagtugon upang madakip ang mga suspek na nagresulta na rin upang bumaba at maresolba ang krimen mula Enero 23 hanggang Febrero 6,2023 sa Metro Manila.
Sa ginanap na Presentation of Victims/ Relatives/ Representative of Sensational Crimes to the Media , sinabi ni NCRPO Deputy Regional Director PBGen Jack Wanky na umabot sa mahigit 400 wanted person na may mga kasong robbery, murder, rape, homicide, carnapping illegal drugs at iba pa ang naitala simula noon Enero 23 ,
Nabatid sa report ng NCRPO, umabot sa halagang P10 milyon piso halaga ng ipinagbabawal na droga at 30 loose firearms ang kanilang nakumpiska bunga nang masigasig na ginagawa ng mga otoridad sa ‘Oplan Galugad’.
Kaugnay nito, ilan sa mga naging biktima ng ‘rape’ ang nagpahayag ng personal niyang pasasalamat sa NCRPO maging ang ilang kamag-anak ng mga naging biktima ng sensational crimes.
Anila, hindi matatawaran ang mabilis na aksyon ng mga pulis na tapat na naglilingkod upang protektahan at malutas ang agad ang kanilang kaso.
Nagpasalamat naman si PBGen Wanky sa mga kaanak ng biktima dahil nakakataba aniya ng puso ang ginawa nila na boluntaryo pa silang nagtungo sa NCRPO upang magpasalamat sa sakripisyo ng mga tauhan ng NCRPO.
Inamin naman ni Police Colonel Roderick Roy Jr na malaki ang naging tulong ng kooperasyon ng publiko sa pamamagitan ng kasimbayanan sa pagresolba sa mga kaso at pagkakaaresto sa mga suspek. (JOJO SADIWA/Photos by: CESAR MORALES)