Advertisers
KUMAMADA si Jamal Murray ng season-high na 41 points, habang inilista ni Nikola Jokic ang kanyang ika-18 triple-double sa season sa 128-108 pagdurog ng Nuggets sa Atlanta Hawks.
Nagrehistro si Jokic ng 14 points, 18 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-94 regular-season triple-double sa career.
Nag-ambag si Michael Porter Jr. ng 23 points para sa Denver na tinablahan ang Boston Celtics para sa NBA best record na 37-16.
Umayoda si Dejounte Murray ng 28 points para sa Atlanta (27-27) at may 20 markers si De’Andre Hunter.
Kinuha ng Nuggets ang 18-point lead sa halftime, 70-52, at tuluyan ang ibinaon ang Hawks sa 124-103 sa huling 2:23 minuto ng fourth period.
Sa San Francisco, naglista si Stephen Curry ng 21 points, 7 assists at 6 rebounds sa 119-113 panalo ng nagdedepensang Golden State Warriors (27-26) sa Dallas Mavericks (28-26).