Advertisers

Advertisers

PD NG BULACAN- PNP, ‘KASOSYONG-LAWAY’ NGA BA NG MGA GAMBLING LORDS?

0 313

Advertisers

Kaya naman pala kailangan nang balasahin ang hanay ng pambansang kapulisan ay dahil na rin sa katotohanang sadyang bulok na ang kabuuan nito.

Kung baga sa isang bahay, kinain na ng anay ang poste at pundasyon nito.

Ang ibig sabihin,karamihan sa mga matataas na opisyal nito ay PATONG sa iligal na droga at iba pang PAGKAKAPERAHAN.



Nakakahiya mang sabihin, marami sa mga ito ang “ipinaglihi sa pera”.

Matakaw o masiba sa kuwarta.

Gaya na lamang ng mismong Provincial Director ng Bulacan PNP na si Colonel Relly Arnedo na imbes na ikahiya ang bansag ditong “mukhang pera” ay TILA proud pa ito.

Tumataginting kasing bente singko mil (P25K) ang itinatara nito sa bawat butas o puwesto ng isang peryang may sugal sa kanyang AOR.

Ang mabigat,imbes na sa kanyang opisyal na gawain nakatutok si Kernel,hands on ito sa direktang pakikipag-usap sa mga operators ng iligal na pasugalan.



Once na sarado na ang usapan nito sa mga gambling operators ng Bulacan, si Col.Relly Arnedo mismo ang kumakausap sa kanyang mga chief of police (COP) para payagan ang paglalatag ng mga pergalang ito sa kanilang presinto.

Sadyang halimaw tumara umano ito sa mga operators ng perya.

Di puwedeng tumawad, di rin puwedeng delayed ang engreso ng intelihensiya (tarya) dahil maha- high blood si Kernel.

Allergic kasi ito na mabukulan kung kaya pinili mismo nito ang kanyang sariling bagman na nagngangalang Raniel.

Asan na si Jun Cruz, ang dating kolektor ni Kernel, tanong ng maraming pulis- Bulacan!

Bakit daw di na napagkikita sa araw ng pag- eengreso ng kuwartang PAYOLA?

Nag- level up na po si Jun Cruz, siya na raw pala ang bagman ni RD.

Wala ka talagang maiilihim sa mga operators ng perya,kilala at alam na alam nila ang kanilang ” mga “kasosyong laway”sa PNP.

Kaya naman pala untouchable ang mga pergalang ito na matatagpuan sa Tangos,Baliuag,Sta.Rita,

Guiguinto at sa Sto.Nino,Meycauyan.

Ang mga operators ng mga puwestong ito raw ang lingguhang “friendship” ni Col.Arnedo dahil sadyang napapakinabangan

Basta paalala ni PD, bawal ma- delay ng engreso ng intelihensiya.

Dapat pala dito kay Colonel, sa halip na magpulis,nag -trabaho na lang sana sa bangko para parating kuwarta ang binibilang niya.

Tangna talaga,bente singko mil (25K) kada butas kada linggo.

Madugong usapan na rin ito.

Madamo na ring maisusubi ni PD bago pa man masibak ito sa puwesto dyan sa Bulacan PNP.

General Rodolfo Azurin sir,bata mo raw itong si PD Arnedo?

Kaya naman pala ganoon na lamang humataw!

Parang mauubusan ng payola.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com