Advertisers

Advertisers

SWIM PA MORE FOR GOLD JASMINE M!

0 171

Advertisers

TALAGANG malayo na ang nalangoy ng ating pambatong bidang swimmer na si Micaela Jasmine Mojdeh mula local hanggang sa internasyunal na swim competitions.

Nagpakitang- gilas na naman ang gem ng Brent International School at miyembro ng national pool na si Mojdeh partikular sa nilahukang Asia Pacific Conference(APAC)Swimming Championshipsa Seoul,South Korea.

Pumitas ng ginto at susungkit pa ng karangalan si MJ Mojdeh at pinanindigan ang pagiging water beast nito matapos isumite ang winning time nitong 22:05 at dominahin ang katunggaling sina Annika Chu ng Hongkong International School na may malayong segunda tiyempong 2:24:03 at Angelina Ching Nga So sa terserang tiyempo na 1:28:94 sa 200 m.individual medley.



“It’s my first time competing in APAC and I am happy that I improved once more my time.I am thankful to see familiar faces even in this cold weather,the APAC vibe is full of warmth,” wika ni Mojdeh

Nakahirit pa ng bronze si Jasmine sa girl’s 100 m freestyle sa naiposteng 1 minuto at :09 na pinagreynahan ni Audrey Sandeen ng Hongkong.

“I get to enjoy swimming in Korea.They have some fast swimmers and it’s nice to compete with them.Thanks to Brent Aqualions Swim team and coach Monching ,coach Cathy ,coach Len and my teammates.I have a fun time here.I’m looking forward to next year,”ani pa Mojdeh.

Nakakagalak ang mga ganitong uri ng pamamayagpag ng ating mga pambatong kababayan sa ibayong dagat lalo sa larangan ng languyan dahil noon ay di man lang makaporma ang Pilipinas kontra magagaling na kalaban sa international swim competitions sa kakulangan ng suporta.

Sa mahusay at marubdob na suporta ng mga magulang,dedicated coaches at sariling bunot nila sa lukbutan ay naipapamalas ng tulad ni Jasmine ang kanyang husay na makapagbibigay ng karangalan sa bansa.



Op kors sa parents niyang si Ms Joan at G.Behrouz,sa SLP ,FINIS at iba pang sumusuporta sa paghubog ng isang champion at maging role model si Micaela Jasmin Mojdeh sa henerasyon na maraming potensyal na kabataang manlalangoy na kailangan lang na matuklasan at masuportahan ng pamahalaan.

Congrats Jas..swim pa more and go for more golds..ABANGAN!

Lowcut: Acknowledgment sa Behrouz , kay Ms Joan at kay G. Fred Ancheta ng SLP na nagpaunlak ng munti pero galing sa pusong konswelo para sa payak na okasyon ng ating Gilas news organisasyon.Ito’y munting kahilingan noong nakakwentuhan natin si Ka Fred A.sa TOPS party sa PSC with our pres. Ms Beth Repizo at PFT editor compadre Jeff V.Salamat sa inyo sa pagpapahalaga at pagkilala rin ng buong taon nating inilalathala with no string attatched ang mga kaganapan sa kanilang quest for glory sa swimming thru their very respectable PR na si Ms Beth R ng Pil.Star kaya ang laki na ng pangalan ni MJ Mojdeh at iba pang kabataang manlalangoy ng kanilang swim league sa kasalukuyan. Natuwa naman ang korner na ito nang nabanggit ni G.Fred na naka-kuwadro iyong one whole page article natin sa Gilas kay Jas at dumami rin ang views mula swimmers ang You Tube content natin kay Jasmin noong ininterview ko siya sa Clark with consent op kors ni Ms Joan ,G.Behrouz at ni Ms Beth for courtesy.GRAZIE!