Advertisers

Advertisers

Jenny Miller birthday wish ay good health, family, at career

0 274

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

PINAKA-MEMORABLE na birthday celebration ni Jenny Miller ang ginanap last week sa Juan Carlo The Caterer.
Si Dr. Emily Otani na isang successful Filipino businesswoman na nakabase sa Chicago, USA, ang nasa likod ng engrandeng birthday celebration ng aktres. Itinuturing ni Jenny na second mom si Dr. Emily, na naging malapit sa aktres noong panahon ng pandemic.
Pahayag ng magandang aktres, “Ito ang pinaka-engrandeng birthday celebration ko at pinaka-memorable, sobra! Hindi ko ine-expect ito.”
Ano ang special sa birthday niya ngayon at ganito ka-engrande?
Tugon ni Jenny, “I don’t know, siguro special siya kasi may mga taong nagmamahal sa akin na hindi ko akalain na ganito ako kamahal. Nandyan nga si Nay Emily Otani at si bunso (Gigi), oo gift nila ito sa akin.”
Nagkakilala sila sa live stream, naka-live si Dr. Otani dahil kay Sherilyn Reyes Tan na cousin niya.
Aniya, “Sa live stream, pumasok ako sa live niya dinala ako ng isa sa admin ko and sabi ko, ‘Wow ang ganda nyo naman po, puwede ko po ba kayong tawaging nanay?’ Alam nyo iyon? Tapos sabi niya, ‘Oo naman, anak, anak na kita ngayon. Gusto mo tawagin na kitang anak.’
“So since then, consistent, lagi silang nasa live ko, nagtatawagan na kami, naging deep na iyong relationships namin at tinanggap na nila ako, Sabi niya, ‘Ikaw na ang eldest ko.’ kaya ang tawag niya sa akin, si Eldest, kasi si Gigi ang bunso namin.”
Nabanggit din ni Jenny na expected niyang isu-surprise siya nina Dr. Emily at Gigi sa kanyang espesyal na araw. “Honestly sa last minute, hoping pa rin ako na darating sila, iniisip ko na surprise na darating sila, sana… pero naka-live pala tayo.”
Ano ang kanyang birthday wish? “Wish ko, good health, kasi hindi na ako bata. Kasi siyempre may mga nararadmaman na rin tayo, hindi ko nga alam na makakasayaw pa pala ako ng ganoon. Parang after a decade hindi ako nagpe-perform, kaya nang idinare nila ako, ‘Sige nga, sumayaw ka.’ Sabi ko, ‘Sige nga, kaya ko pa ba?’ Na-challenge ako, ‘Sige nga, sayaw nga ako’. And thank God, maayos ko naman siyang na-perform.
“Number-one iyon, good health, and sana ay nandyan pa rin ang mga taong nagmamahal sa akin, hindi sila magsawa na tuluy-tuloy lang nila akong mahalin dahil mahal na mahal ko sila, alam ni Lord iyon.
“Hoping pa rin ako, kapag nagpe-pray ako kay Lord, hoping pa rin ako na ma-bless na magkaroon nang maayos na pamilya at career, sana ay tuluy-tuloy, more projects sana. Sana ay simula ito ng marami pang blessings, na marami pang dumating sa buhay ko,” nakangiting sambit pa ni Jenny.