Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
KAKAIBA ang una naming face-to-face presscon sa unang araw pa lamang ng Pebrero dahil nagmistula itong isang party dahil bukod sa pika-pika na mga pagkain ay bumaha rin ang white wine at beer.
Paandar ito ng JANB ENTERTAINMENT, isang hybrid (into digital, mainstream & on the ground media) company na original music na may genre na tulad ng Soul, R&B, Pop, Rock, OPM at global music ang hatid sa publiko sa pamamagitan ng kanilang mga talents na oo nga at mga newbie pero mahuhusay!
Kakaiba rin ang main artist na ini-launch noong gabing iyon ay naka-Zoom ng live mula sa New York sa Amerika, si Eytch Angeles na naging front act ng Sponge Cola sa U.S. Jeepney Tour 2023.
Latest single ni Eytch as singer/songwriter ang Sa Kalawakan.
Physically present naman sa mediacon ang iba pang talents ng JanB na sina Ashley, Tif, Almyn, Boyong at Chelle.
HINDI nagpapaawat ang NET25 sa pakikibaka sa pagpapalabas ng makabuluhang programa sa telebisyon.
Dadalhin ng NET25 ang pagmamahal sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng pinakabagong talk show nito, ang “Love and Everythaaang!” na pangungunahan ng award-winning personality na si Love Añover.
Kilala si Love sa kanyang pagiging masayahin, matalino at kakayahang makihalubilo sa mga manonood. Ang mga katangiang ito ang magbibigay-buhay sa “Love and Everythaaang!” na ang tanging hangarin ay ang magbigay inspirasyon sa mga tao.
Ayon kay Love, “This show will be able to inspire people to live and appreciate how beautiful life is, na bawat isa sa atin ay may power at skill within us that can and will get us through life no matter the circumstance will be.”
Excited din si Love dahil ito ang kanyang first Radio-TV show.
Labis ang kanyang pasasalamat sa NET25 management dahil sa regalong ito na
ibinigay sa kanya lalo na’t ise-celebrate niya ang kanyang kaarawan
ngayong Pebrero.
“Thankful ako sa NET25, na kabilang ang PANGARAP ko na ito sa kanilang regalo sa akin. Ipinapangako ko naman na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para magawa ang responsibilidad na ito nang maayos at makabuluhan”, dagdag pa ni Love.
Nagpahayag din siya ng kanyang pasasalamat sa lahat ng kanyang kaibigan na walang tigil na naniniwala sa kanya.
“I mean, Team LOVE and EVERYTHAANG! is A DREAM TEAM for me. Sila
‘yung mga taong nakatrabaho ko na, kakilala at sa haba nang pagsasama ay naging
mga matatalik ko nang kaibigan mula pa sa Probe Productions, Inc. ni Ms. Cheche Lazaro.
Tampok sa “Love and Everythaaang!” ang iba’t ibang panauhin, mula sa mga aktor at musikero, hanggang sa mga content creators at negosyante. Nangangako ang programa na magbibigay ito ng bagong pananaw sa mundo.
Samantala, masayang tinatanggap ni NET25 President Caesar R.
Vallejos si Love bilang bahagi ng lumalaking pamilya ng network. Inamin din
niya na isa siya sa mga tagahanga nito. Anya, “Personally, I am also a fan
of hers because of her reports with the Probe Team. It was her line “my
English is limited edition” na hindi ko makakalimutan.”
Dagdag pa ni Vallejos, “We also have an aligned vision with her brand — to continue giving laughter and hope to Filipinos not only here in the Philippines but in different parts of the world.”
Sabay na mapapanood sa NET25 at mapakikinggan sa Radyo Agila ang “Love and Everythaaang” simula sa Pebrero 13, 2023, Lunes sa ganap na 11 AM.
***
BASED na sa Palawan pero kapag may trabaho ay nasa Maynila si Katrina Halili tulad na lamang ng Unica Hija at ang latest ay ang guesting niya sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco.
Kapag walang taping, umuuwi si Katrina sa Palawan dahil narooon ang kanyang anak na si Katie.
“Parang gusto ko munang mag-focus sa anak ko and ibang life din naman kasama yung family ko sa Palawan.
“Alam mo yun, kapag hindi rin naman ako nagsu-shoot,” pahayag ng aktres.
Ginagampanan muna ni Katrina ang kaniyang mommy duties sa ten-year old na si Katie.
At para mas mabantayan si Katie ay nagtayo si Katrina ng restaurant sa El Nido na malapit sa eskuwelahan ng anak.
Sa bagong #MPK episode ngayong Sabado ng gabi ay bibida si Katrina sa “The Power of Love: The Miguel and Baby Duhaylungsod Story” kasama sina Rodjun Cruz, Faye Lorenzo, Ashley Sarmiento at Clarence Delgado.