Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
TRENDING ngayon ang mga pahayag ni Willie Revillame sa sarili niyang variety show na “Wowowin” in ALLTV.
Nagpasaring kasi ang magaling na TV host tungkol sa ‘Utang na Loob’ kung saan marami daw siyang natutulungan lalo na sa hanay ng mga entertainment writer.
Tinanong ni Kuya Wil, bakit daw siya ginagawang pulutan ng mga writer e, tinulungan niya naman daw ang mga ito nuong panahon ng pandemic.
Pa-blind item ang tirada niya na mayroon daw siyang binigyan ng 50 thousands pesos nang lumapit ito sa kanya, meron pang humingi ng tulong nang tumakbo itong konsehal na olat naman.
Isang artista rin daw ang pinagbigyan niya na matulog sa bahay niya in Tagaytay nang ikinasal.
Sinasabi rin niya mayroon siyang binigyan ng kotse at condo unit sa kanyang building sa Wil Tower. At may iba pang mga reporter na binigyan niya umano ng tig-sampung libo pangbili ng bigas nuong kasagsagan ng pandemya.
Kaya ang buong showbiz industry nag one plus one kung sino ba itong mgs tinutukoy ni Willie na mga walang utang na loob.
Isa sa mga nagreak ay ang host ng SNN-Showbiz Now Na at CFM in 92.3 news FM na si tita Cristy Fermin.
Ayon kay tita Cristy, “Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa iyo? Magbilangan tayo Willie Revillame”.
Talagang tinapat ng matapang at walang inuurungan sa laban ang mga pasaring ng TV host sa kanyang show in AMBS.
“Bakit isusumbat mo ang mga naitulong mo sa iyong kapwa, dapat pag tumulong ka bukal sa loob mo at wala ng sumbatan,” pahayag ni tita Cristy.
Binanggit niya rin ang sinasabi niyang kotse na ibinigay niya, “Willie Revillame, hindi kotse ang ibinigay mo sa akin kundi van at wala na iyon dahil ibinenta ko na. At ang condo naman na sinasabi mo isang beses ko lang iyon napuntahan binilihan ko pa ng mga muebles and after that di na ako tumuntong sa condo na iyon, dahil hindi ako sanay na tumira roon. Tanong mo pa sa mga guard ng building.
“Kung gusto mo aayusin ko ang mga papers na iyon at ibabalik ko dahil pati mga anak ko nadadamay sa paniningil mo ng utang na loob”. Matapang na paghamon ng host ng online show na SNN.
Nuong makarating sa host ng ALLTV ay agad siyang tumawag kay tita Cristy, nagmurahan muna at pagkatapos ay nagpaliwanagan.
Sabi ni tita Cristy, “bago ka magreak sa sinasabi mong pinagsabihan kitang nayabang dapat pinanood mo muna ang laman ng sinasabi ko, hindi iyon binulungan ka lang ng mga taong ayaw magutom dahil nakadikit sa iyo agad kang nagreak.
Sa pagtatapos ng kanilang usapan sinabi ni Kuya Wil, “magsasalita ako at hihingi ng sorry dahil hindi lang ikaw ang nasaktan kundi pati mga anak mo at ang iyong buong pamilya”…Abaw Ah!!!
***
PARTE pa rin sa giyera nina Tita Cristy Fermin at Willie Revillame, tinupad naman niya ang kanyang sinabing magsasalita siya sa kanyang show in ALLTV February 8, to be exact at hihingi siya ng sorry.
Pahayag ni Kuya Wil, isang staff daw ang lumapit sa kanya at sinabing ‘Akala ko ba nanay-nanayan mo si Cristy bakit sinabihan ka niyang mayabang.’ Doon nagpanting ang kanyang tainga at nadala siya ng kanyang emotion.
“I’m very sorry nasaktan kita pati pamilya mo, pasensiya na naging emotional ako”.
Matapos sabihin iyon ni Kuya Wil, in national telebisyon ang paghingi ng sorry kay tita Cristy, sinabi pa niya, “kay Tita Cristy lang ako humihingi ng sorry hindi kasama ang isang vlogger na reporter na walang ginawa kundi tirahin ako at pilit pang idinidikit ang pulitika sa isyung pagkakawala ng ibang show sa ALLTV at nakikisakay lang.”
Sa ngayon daw wala pang natatanggap na sulat si kuya Will sa management ng AMBS kung ano talaga ang kalagayan nila. “Pag sinabi ng management na mag-pause muna kami or pansamantalang mamahinga tatanggapin namin iyon nang maluwag sa aming kalooban, hindi iyong sa social media at pahayagan pa namin nalalaman….Abaw Ah!!!