Advertisers

Advertisers

P340k shabu nasabat sa Maynila

0 255

Advertisers

Timbog ang dalawa katao sa drug-buy bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Quiapo, Maynila.

Arestado ang target na si Rodrigo Carbonilla alyas “Boss”, 20 anyos, ng San Diego St., Barangay 500, Sampaloc; at Heart Fernandez, 18, ng Algeciras St., Baramgay 485, Sampaloc.

Ayon sa ulat na nakarating kay MPD Director, Brigadier Gen. Andre P Dizon, 4:00 ng umaga nang ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang operasyon sa kahabaan ng C.M. Recto at Quezon Blvd., Brgy. 391 Quiapo.



Nasamsam sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00.

Sa ulat, si Carbonilla ang source ng droga sa Sampaloc at karatig na lugar.

Inaalam pa ng pulisya ang pinanggagalingan ng droga at ang kasabwat ng mga suspek. (Joseph Elias Bontogon – OJT)