Advertisers

Advertisers

Wanted na ex-konsehal sinuko sangkaterbang baril

0 182

Advertisers

ISINUKO sa PNP ang nasa 14 matataas na kalibre ng baril, magazine at bala na pag-aari ng isang dating konsehal ng Sta Maria, Laguna noong Martes.

Ayon sa report ng Laguna PNP nitong Huwebes, sa tulong ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang bayan ng Sta. Maria, dinala sa himpilan ng pulisya ang mga armas na kinabibilangan limang iba’t ibang long high-powered firearms, 2 shotgun,4 kalibre .45, tig-isang Uzi, .9mm at .357 revolver at sangkaterbang magazines at mga bala.

Ayon pa sa report ng Sta Maria Police, ni-revoke narin ng FEO-PNP ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF), Firearm Registration (FR) at Permit to Carry Firearm Outside of Residence (PTCFOR) ng dating konsehal na si Christened Jayson Cuento at ng isang Jonathan Bondad dahil sa kasong kinakaharap ng mga ito.



Ang dating konsehal ang itinuturong mastermind sa iba’t ibang krimen sa naturang bayan kasama na ang pagkakapaslang sa pangulo ng isang farmer’s cooperative na tinambangan sa Marilaque highway sakop ng Brgy J. Santiago, Sta Maria noong January 8.

Noong Sabado, pito umanong miyembro ng isang criminal gang na inuugnay kay Cuento ang naaresto sa limang magkakasunod na operasyon ng iba’t ibang unit ng Laguna PNP sa bayan din ng Sta. Maria.

Bukod sa pagkakaaresto sa pitong suspek, nakumpiska rin sa operasyon ang limang kalibre .45, apat na 38 revolver at dalawang hand grenade.

Kinustodiya ng PNP at kinasuhan ang mga naaresto ng mga kasong paglabag sa RA 10591, RA 9516, at Obstruction of Justice.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">