Advertisers

Advertisers

Coco pinatunayan ni Cherry Pie na sobrang sipag sa trabaho

0 136

Advertisers

Ni JULIE E. BONIFACIO

UMAAPAW na pasasalamat at papuri ang mga sinabi kay Coco Martin ng mga artistang kasama ng aktor sa bagong seryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”
Sa ginanap na grand mediacon ng “Batang Quiapo” ay na-reveal ang mga sikretong pagtulong na ginagawa ni Coco sa mga taga-showbiz.
Dasal tuloy ng aktres na si Cherry Pie Picache, na gaganap bilang ina ni Coco sa “Batang Quiapo,” na sa kanyang pagtanda ay may isang Coco Martin ang handang tumulong sa elder actors.
Sinabi mismo ito ni Cherry Pie kay Coco pagkatapos tulungan ng Hari ng Primetime ang veteran actor na si Pen Medina na sumailalim sa isang major operation.
“Sinabi ko rin sa kanya, sana ‘pag tumanda ako na katulad ni Pen, sana sa mga batang artista na henerasyon ngayon, sana may isang Coco Martin na magbibigay halaga sa mga elder actors.
“Kasi kung anuman ‘yung ipinundar nila, ‘yun din ang nagbigay ng inspirasyon, leksyon sa aming mga batang artista.
“At sana kaming mga nasa edad ngayon, sa mga batang henerasyon ngayon na artista, it’s not just about social media, it’s not just about how many likes you have or followers, it’s your dedication to your craft and, it’s how kind and dedicated and committed work with other people.
To“Hindi lang sa co-actors mo, sa lahat ng parte ng team–sa staff, sa crew, sa utility, sa buong community na pagtatrabahuan mo.
“So, sabi ko nga sana ‘pag tumanda ako katulad ni Pen Medina, sana may isa pang Coco Martin na magbibigay importansya sa mga elder actors,” kasunod ang pasasalamat ni Cherry Pie kay Coco.
Na-witness din ni Cherry Pie kung gaano ka-hardworking na artista si Coco noon.
“May ishi-share lang ako na trivia. Dati kasama ko si Coco sa isang indie film, ‘yung ‘Foster Child.’ Alam n’yo ba kung gaano siya kasipag?
“Noon pa man, sobrang sipag na niya. Kasi magsisimula kami ng alas-syete ng umaga magsho-shooting. Matatapos kami ng gabi.
“Si Coco nandodoon lang sa isang tabi. Tapos, eh, kakilala na namin siya, kaibigan na namin siya.
“Sabi ko, ‘Co, ano’ng ginagawa mo d’yan?’ ‘Ate Pie,’ sabi niya, Ate Pie pa nga ang tawag niya sa akin noon na, ‘Naghihintay lang ako baka may kailangan na talent or ano maglalakad or maga-ano. Basta, nandito lang ako.’
“Hindi talaga siya umaalis kaya noon pa man sobrang hardworking na ‘yan.
“Tapos sabi ko, ‘Ang sipag-sipag o naman. Ano ba’ng pangarap mo?’
‘Wala, pangarap ko lang medyo makaahon. Kasi gusto ko’ng tulungan ang pamilya ko. Konting ganito ganyan.’ Tapos ngayon ‘di ba?
“So, doon mo masasabi ang Diyos talagang, ‘yung blessing niya talagang hindi niya ipagkakait. Oo, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kasi siya very hardworking, ‘di ba ‘yung gift na binigay sa kanya pinagtatrabahuan niya. So, where he is now, he deserves it,” lahad pa ni Cherry Pie.
Patunay ng pagiging masipag ni Coco ang “Batang Quiapo” na hindi lang siya artista sa aksyon-serye, co-director pa siya, composer at co-producer din.
Anyway, kasama rin sa “Batang Quiapo” sina Christopher de Leon, Lovi Poe, John Estrada, Lito Lapid, Mark Lapid, Irma Adlawan, Ronwaldo Martin, Tommy Abuel, McCoy de Leon at Charto Santos.
Mapapanood ang “Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC at Kapamilya Online Live on ABSCBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page.
***
SPEAKING of Coco Martin, tila may pa-reveal ang Primetime King sa guesting niya sa “Magandang Buhay” last Friday.
Coco was asked ng one-liner sa ipinakitang pictures ng mga ginawa niyang teleserye sa ABS-CBN ng mga host ng “Magandang Buhay” na sina Melai Cantiveros and Jolina Magdangal (isa rin sa hosts si Asia’s Songbird Regine Velasquez na absent that day).
Ang unang piktyur na pinakita kay Coco ay ang teleserye niya na “Minsan Lang Kita Iibigin.” Say ni Coco, maituturing niya ang teleseryeng ‘to as his biggest break on television.
Sinundan ito ng kauna-unahang project na pinagtambalan nila ni Julia Montes, ang “Walang Hanggan.”
“Dito nagsimula ang lahat,” sabay ngiti ng super tamis ni Coco kasunod ang malakas na sigawan nina Momshie Jolens at Momshie Melai.
Sabi ni Momshie Jolens, “Ano ba ‘yan?!”
“Waaah! I looove it! The best,” sigaw ni Momshie Melai.
Pagkatapos ay nagkwento pa si Coco tungkol sa unang tambalan nila ni Julia on screen.
“Isa ito sa pinaka-ano uh, minahal at tumatak sa aking teleserye. Kasi ano, talagang lahat halos ng mahuhusay na artista kasama ko dito e, lalung-lalo na si Tita Susan (Roces). Dito kami unang-unang nagkatrabaho kaya napaka-unforgetable sa akin nito. Saka dito ko unang naging leading lady si Julia,” lahad pa ni Coco.
Reading between the lines, alam na kung ano’ng meron sina Coco at Julia. Kaya ‘wag na kayo magtanong kay Coco. Let him find his own way and time to reveal pa more ng tungkol sa kanila ni Julia.
Ugaliing manood ng “Magandang Buhay” para sa mas marami pang rebelasyon mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilha Online Love, iWantTFC and TFC.