Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
IBANG klaseng pampainit at pampaga na sa mga barako ang hatid ng newbie sexy actress na si Princess Zian.
Sa vital statistics niyang 36-24-34, siguradong maraming boys ang mag-aabang sa mga project ng hot na alagang ito ni Lito de Guzman. Si Princess ay under five years contract sa Viva.
Unang mapapanood si Princess sa pelikulang Paupahan ni Direk Louie Ignacio. Ito’y mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at line producer dito si Dennis Evangelista.
Mula sa panulat ng prolific actress/writer na si Quinn Carrillo, tampok sa Paupahan sina Tiffany Grey, Jiad Arroyo, Rob Guinto, Aica Veloso, at iba pa.
Gaano siya ka-game maghubad sa pelikula?
Nakangiting sagot ni Princess, “Game naman po ako sa hubaran pero sa akin po kasi, naisip kong marami na sa mga Viva artist talaga hubad kung hubad. Ang gusto ko naman po sa akin one step at a time para lalong mas ma-excite yung viewers at abangan ako.
“Gusto ko po unti-untiin ko from sweet girl to seductive, para maiba naman po ako sa lahat ng artist. Kasi po kapag todo bigay agad sa una, parang mawawalan na ng excitement sa susunod yung mga viewers, kasi nakita na nila lahat.
“So, sa akin po, naisip ko uunti-untiin ko sila para talagang aabangan nila ako sa mga susunod kong projects, kung ano po ang kaya kong ibigay at ipakita.”
Aminado rin si Princess na pansinin sa kanya ng mga barako ang malulusog niyang boobs.
“Ang pansin po talaga sa akin ng mga tao yung boobs ko, marami ang nagtatanong kung gawa raw ba ito, hahaha! Pero totoo po ito, pinagpala lang talaga ako.”
Ano ang nafi-feel niya kapag tinititigan ng mga barako ang kanyang pinagpalang dibdib?
“Dati po naiilang ako, pero ngayon ay dedma and proud naman ako. Kasi as long as hindi naman malaswa ang dating, pero sexy, nasanay na rin po ako na laging labas ang cleavage ko,” natatawang sambit pa ni Princess.