Advertisers

Advertisers

Sa pagkawala ng show sa AllTV…Toni nawala ang pagiging ‘powerful celeb’; Juday loyal pa rin sa Kapamilya

0 157

Advertisers

Ni FAVATINNI SAN

NGAYONG mahihinto ang TV show ni Toni Gonzaga sa AllTB e, ano pa ba ang magiging silbi ng pagiging powerful celebrity niya?
Kahit sabihing kumita ang kanyang birthday concert ay barometro at patuloy kang visible dapat sa showbiz.
Korek, aktibo ka sa syobis. Sana nga, di siya nagsisisi na siya ay umalis sa ABS-CBN at pumirma sa AllTV.
Sey ng aming katsika, pwede naman sundan ang kanyang Youtube channel (kung siya nga ay aktibo sa paggawa ng kanyang vlog). Kaya, kung proud siya sa kanyang mommy Pinty na hinawakan ang kanyang showbiz career for twenty years, dapat mas ipakita ng kanyang mother dearest na aktibo pa rin si Toni. Hanapan niya ng mga projects ang panganay niyang anak.
May nagtatanong tuloy, naging mabuti ba ang pagtulong niya sa kampanya nina PBBM-Sara? E, ayaw naman natin sabihin na karmatic beauty ang misis ni direk Paul Soriano. Dapat lang pangatawanan nila ang “powerful celebrity” ni Toni.
***
WALA bang manager si Judy Ann Santos ngayon pata magsalita sa kanya? Kailangan pa niyang magpaalam kay Ms. Cory Vidanes sa bagong project na kanyang tinanggap na isang serye katambal si Sam Milby.
Aminin, malaking bagay si Tito Alfie Lorenzo sa showbiz career ni Juday. Maraming beses kinawawa nuon ng ABS-CBN lalo’t nanduon pa si Mr. Johnny Manahan na identified kay Claudine Barretto.
Pinaglaban ng yumaong manager ni Juday na itaas ang kanyang estado bilang artista na kauna-unahang aktres na may “guaranteed contract.”
Look, it pays to be loyal sa Kapamilya Network kahit sabihin nating pinapayagan si Juday na makagawa ng projects sa ibang produksiyon.
Bukod sa may masayang pamilya ang aktres, napanatili niyang maganda ang takbo ng kanyang karera bilang artista.