Advertisers

Advertisers

Aljur at AJ inilantad na ang relasyon sa publiko

0 187

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

WALA na ngang kiyeme na inilantad na nina AJ Raval at Aljur Abrenica ang kanilang relasyon.
Matagal din ang pananahimik ng dalawa at wala pang opisyal na anunsiyo na sila na.
Makalipas ang isang taon, finally ay umamin na sa kanilang relasyon sina AJ at Aljur.
Nabuking sa kanilang larawan ang sagutan ng mga sweet messages nito lang Valentine’s Day.
Pictures talk sa nakitang lovey dovey na larawan nina AJ at Aljur.
Kahit nga di pa magsalita ay kitang kita sa mga larawan na ipinost nina AJ at Aljur na sila na nga.
Kaya masasabing opisyal na ang relasyon ng dalawa.
Masarap ang feeling na lantaran na ang relasyon ng dalawa kaysa itago pa.
Busy na si AJ sa pagsabak sa maaksyon na project na kanyang gagawin na minana niya sa kanyang ama na si Jeric Raval.
Kaya dadaan sa matinding training si AJ para sa action project nito.
***
Alex muling nag-trending sa bagong Tiktok upload
UMABOT sa 1M ang views ng bagong upload na Tiktok videos ng controversial na si Alex Gonzaga.
Muling nagpasaya si Alex ng mga netizen sa latest Tiktok nito.
Sa pagsakay ni Alex sa escalator kasama ang hubby na si Mikee Morada at uncle.
Walang kaabog abog ay bigla itong nagsasayaw sa pagsakay sa escalator habang tinitignan nina Mikee at tiyuhin.
Makapigil hininga ito dahil nag alala ang netizens sa latest upload video ni Alex.
Nag-alala na baka malibang daw ito at di mapansin na huling baitang na ng escalator at mahulog ito sa pagsasayaw.
Well, well, well…Yun na!