Advertisers

Advertisers

Kylie nagreak sa pag-aming magdyowa na sina Aljur at AJ; Jeric at Rabiya nagkabalikan

0 267

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA si Kylie Padilla sa cast ng bagong serye ng GMA 7 na Mga Lihim Ni Urduja, Gumaganap siya rito bilang si Gem na isang rooky cop.
“Kasi si Gem ‘yung character, gusto niyang tumulong sa mga tao kaya siya naging pulis, kasi gusto niya talagang maging protector ng mga tao.
“Bilang descendant siya ni Urduja, dun niya magagamit ang kapangyarihan ni Urduja, is to help people,” sabi ni Kylie tungkol sa kanyang role sa nasabing serye.
Dahil matapang ang karakter ni Kylie bilang isang pulis sa Mga Lihim Ni Urduja, naging strong din ba siya sa IG post ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica, kung saan ibinalandra nito sa unang pagkakataon ang relasyon nila ni AJ Raval. Ano ang reaksiyon ni Kylie sa IG post na ‘yun ni Aljur?
“I’m happy for everybody, and everybody’s happy, and that’s what’s important,” matipid na sagot ni Kylie.
Hiningan din si Kylie ng opinyon sa mga bashing na inaabot ni AJ. Merong netizens na tinatawag itong “kabit,” at kung anu-ano ang mga ibinibintang dito.
Ang tanging nasabi lang ni Kylie tungkol dito,”I’m happy for everyone. But seriously, ‘di ba? Pag dumadating yung… some sort of depression, just to be happy is a blessing already. Talagang, no joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already.”
Kasama ni Kylie sa Mga Lihim Ni Urduja ang kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica na gumaganap bilang si Onyx, ang leader ng bounty hunters sa kuwento. Ayon kay Kylie, okay sila ni Vin at sana raw ay lalo silang maging close ngayong magkasama na sila sa serye.
“Actually, feeling ko nga mas masaya, kasi dito nga kami mas nagiging close. And talagang sinasabi ko nga when I’m on the set, gusto ko maging family ko pa rin ang mga kasama ko. And to have him here, siyempre mas magiging ka-close ko siya.”.
Bukod kina Kylie at Vin, kasama rin sa cast members ng Mga Lihim Ni Urduja sina Gabby Garcia as Crystal, Zoren Legaspi as Maestro Marius, Jeric Gonzales as Agent Greg, Arra San Agustin as Valencia, Rochelle Pangilinan as Dayang Salaknib, Pancho Magno as Kenzo, Winwyn Marquez as Dayang Iloguin, Michelle Dee as Freya. Kristoffer Martin as Ryker at Sanya Lopez bilang si Hara Urduja.
Mapapanood na ang Mga Lihim Ni Urduja simula sa February 27 weeknights sa GMA 7 at 9pm at 9:40pm sa GTV. Mula ito sa direksyon ni Jorron Lee Monroy, co-director Dominic Zapata at associate director Ralf Malabunga.
Speaking of Jeric, sa pamamagitan ng kanyang Instagram post noong February 15, binati niya ng belated happy Valentine si Rabiya Mateo. Isa itong pagpapatunay na nagkabalikan na sila ng dating beauty queen.
IG post ni Jeric,”Hindi pa siguro late para bumati? Happy Valentine’s my love Rabiya. I will and always love you!” caption ni Jeric sa mga larawan ng tender moments nila ni Rabiya.