Advertisers

Advertisers

Cindy tinaasan ng kilay sa pagganap na young Imelda

0 264

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NANG pasukin ni Cindy Miranda ang larangan ng showbiz via sexy movie produced by Vivamax ay maraming napahanga sa taglay niyang ganda at tapang sa pagpapaseksi sa movie.
Ngayon sa latest movie niya na “Martyr or Murderer”, showing in cinemas nationwide on March 1 na siya ang gumanap sa papel ng young First Lady Imelda Marcos at si Ruffa Gutierrez naman ang married Imelda Marcos, marami ang nagtaas ng kilay kung bakit si Cindy ang napiling maging young Imelda gayung mas marami pa raw qualified kaysa kanya.
Ayon naman sa direktor ng naturang movie na si Direk Darryl Yap ay fit na fit kay Cindy ang papel dahil tulad ni First Lady ay naging beauty queen din si Cindy. Si Madam Imelda ay tinawag na “Rose of Tacloban” as the winner of a local beauty contest in 1949 at nang nagpunta siya sa Maynila ay napansin ang kanyang ganda. Romuáldez caught the eye of many among Manila’s business and political elites, including the mayor, who in 1953 declared her the Muse of Manila.
Samantalang naging 2013 Binibining Pilipinas Tourism si Cindy Miranda at Miss World Second Runner-up naman si Ruffa.
Alam naman ni Cindy na darami ang kanyang basher lalo na at tinanggap niya ang role ng isang First Lady.
“Actually, flattered po ako nang ialok sa akin ang role, isang First Lady po kasi ang gagampanan at sikat na sikat. At para mabigay ko yung hinihingi ng karakter ko ay sinunod ko lahat ng turo ng aking direktor,” say ni Cindy.
***
DAHIL na rin sa suwerteng pagkakataon na dumating sa buhay ng dalawang baguhang sexy stars na sina Manang Medina at VR Relosa, walang takot silang nakipagsabayan sa mga maseselang eksena sa bagong movie na handog ng Vivamax para sa Buwan ng mga Puso, ang “Lagaslas”, together with Julio Diaz, Rubi Rubi and Arnold Reyes. Directed by a newbie director Christopher Novabos and streaming in all Vivamax apps starting Feb. 17.
“Lagaslas” ay istorya ng isang probinsiyano na palihim na binobosohan at pinapantasya si Karisma na ginampanan ni Manang. Nabisto ni Karisma sa paninilip si Edmar pero imbes na magalit ay nagkaroon pa sila ng malalim na relasyon. Ang hindi nalalaman ni Edmar ay may isang lihim na tinatago sa kanya ang nililiyag.
Si Manang ay isang theatre actress na nadiskubre ni Direk Darryl sa Olongapo. Samantalang si VR ay nag-audition para sa kanyang role pero hindi pinalad sa unang subok.
“At first, I was told hindi ako pinalad. But three months later, tumawag sila sa akin, o magsu-shoot na tayo.
“So there was no time to prepare. Nag-shoot na kami agad sa Pangasinan at doon na lang kami nagkakilala nang husto ni Manang,” say ni VR Relosa.