Advertisers
PINATAWAG ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kinatawan ng Tsina na narito sa ating bansa kaugnay sa naganap na insidente ng paninilaw ng lahi nito sa mga kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG).
Huwag na tayo umasa na pinagalitan o kinastigo ito ng ating Pangulo dahil hindi naman tayo tulad ng mga singkitsupoy na iyan na hindi marunong sa usapang diplomasya.
Subalit balita ko ay sumasagot pa [raw] ang damuhong iyon at iginigiit na kanilang teritoryo ang lugar kung saan naganap ang insidente bagaman malinaw naman na teritoryo iyon ng ating Inang Bayan.
O, sige lang! Igiit lang ng Tsina ang kanilang kabaliwan sa West Philippine Sea na kahit may hatol na kung sino ang tunay na may sakop o teritoryo ay ayaw pa rin sundin ng mga singkitsupoy na ito.
Pero iba na ngayon, taumbayan! Sa palagay ko ay aligaga na ang mga singkitsupoy dahil dumarami na ang ating kakampi laban sa dambuhalang bansa ng walang kuwentang kausap na lahi.
Bukod sa mga bansang Amerika at Japan ay nagsalita na rin ang mga bansang Australia, Canada, Germany at United Kingdom habang sigurado naman na kakampi rin natin ang Taiwan, New Zealand at South Korea.
O, haha… ngayon na ang pagkakataon ng mga Pinoy na magsalita o umaksiyon laban sa Tsina na ito na matagal nang nagtapang-tapangan sa mga karagatan na sakop ng Pinas na ang pinakahuli ay laban sa isang barko ng PCG.
Nalimutan siguro ng mga singkitsupoy na ito ang salitang ‘alyansa’ na kahit kuting lamang ang tingin nila sa ating Inang Bayan ay mayroon tayong mga kasunduan sa maraming malalaki at mayayaman na bansa pagdating ng kagipitan.
Matagal na tayong ginigipit ng Tsina, matagal na tinatarando ng mga singkitsupoy na ito subalit naghihintay lang ng tamang tiempo o oras para itaas ang ating braso upang sikuhin sa nguso ang mga iyan. Tsk tsssk tskk
Barkadahan ng mga bansa ang papalaot na sa karagatan na inaangkin ni Tsina pero kahit kuting man ang turing sa atin ng mga singkitsupoy na ito ay siguradong may kalmot din na aabutin ang mga iyan mula sa lahi ni Juan dela Cruz.
***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com