Advertisers

Advertisers

Marion happy and grateful sa tiwala ni Direk Darryl para sa scoring and OST ng MOM

0 2,534

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG talented na sina Marion Aunor at younger sis niyang si Ashley Aunor ang muling naatasan para sa musical scoring and OST ng pelikulang ‘Martyr or Murderer’, na ikalawang yugto sa Mega Blockbuster hit na ‘Maid in Malacañang’ ni direk Darryl Yap.
Sina Marion at Ashley din ang nag-tandem sa musical scoring and OST ng Maid in Malacañang.
Kuwento sa amin ni Marion, “Kami po ulit ni Ash iyong kinuha ni Direk Darryl for film scoring and OST for the movie Martyr or Murderer.”
Aniya pa, “Dati naman po sinabi na niya sa amin na gusto niya pong kami talaga yung gumawa ng film scoring for his upcoming movies. So, waiting lang naman po kami and always available for his projects.”
Ano ang na-feel ninyo nang sinabing may participation ulit sila sa part-2 ng movie ni Direk Darryl? Tugon ng mahusay na singer/songwriter, “Very happy and grateful po kami for the trust that he gives us, na kami po yung napipili niyang gumawa ng music for his films, especially since sa MiM ay first time po namin nag-try ng scoring for a movie.”
Incidentally, congrats kay Marion dahil ang ganda at nakaka-LSS ang latest single niyang Ganito Pala. Potential hit ang new offering ng tandem nina Marion at Ash, and defintely ay nakakakilig ang kantang ito ni Marion na release ng Wild Dream Records.
“Available na po ito sa Spotify, YouTube, Apple Music, and other streaming platforms and naglabas din po ako ng visualizer for Valentine’s Day starring Tiktok star, Charizzzz,” sambit pa ni Marion.
Anyway, makikita sa pelikulang MOM ang nangyari sa pamilya Marcos bago at matapos ang EDSA Revolution, isang pasilip sa kanilang “life in exile”, at ang talakayan ukol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ni Imee Marcos sa Morocco. Talaga bang nagtago siya at nameke ng mga pasaporte? Paano ito hinarap ng kanyang mga kapatid? Paano ipinagpatuloy ng mag-asawang Marcos ang kanilang buhay matapos matanggalan ng kapangyarihan at dignidad?
Nais ding magbigay ng mga kasagutan ang pelikulang ito sa mga walang-kamatayang katanungan tungkol kina Pangulong Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos at ang kanyang pinaka-matinding katunggali, si Senador Benigno Simeon Aquino, Jr.
Paano nagsimula ang kanilang hidwaan? Ano ang tingin kay Ninoy ng mga taong nakapaligid sa kanya? Bakit isinisisi sa mga Marcos ang kanyang pagkamatay? At ang mas malaking katanungan: Sino ang tunay na bayani? Sino ang tunay na kriminal?
Nagbabalik sina Cristine Reyes, Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, at Ella Cruz bilang Imee Marcos, Ferdinand Marcos, Imelda Marcos, Bongbong Marcos, at Irene Marcos. Tampok din dito sina Marco Gumabao, Cindy Miranda, Elizabeth Oropesa, Beverly Salviejo, Rose Van Ginkel, Jerome Ponce, at Isko Moreno.
Tunghayan ang pagpapatuloy ng kanilang kuwento sa big screen. Martyr or Murderer, mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa March 1.