Advertisers

Advertisers

Oyster resto sa Makati, nireklamo sa food poisoning

0 208

Advertisers

IPINASARA ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang oyster bar na Wantusawa dahil sa mga ulat ng food poisoning.

Ayon sa pamunuan ng restaurant, hinihintay pa nila ang resulta ng water at oyster testing bago magpatuloy ang kanilang operasyon alinsunod sa kautusan ng Makati City Hall.

Para mapabuti ang kalidad ng kanilang serbisyo, nagsasagawa na ng maintenance at repair ang Wantusawa.



Una nang bumaha ang reklamo laban sa Wantusawa noong Enero mula sa mga costumer na umano’y na-food poison nang kumain sa nasabing restaurant.

Itinanggi ng resto ang akusasyon at sinabing nagnegatibo sila sa laboratory test para sa anumang posibleng food poisoining.

Anila pa, naging biktima lamang sila ng bullying.

“In our pursuit of truth and due process, we shall likewise review our options to take any legal action against these purveyors of bullyong and untruth.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">