Advertisers
Nasabat ang nasa P140,00 halaga ng shabu sa operasyon sa Barangay San Roque sa Navotas City at naaresto ang dalawang suspek.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Alyas Willy at Alyas Mac-Mac.
Ayon sa mga pulis matagal nang nagtutulak ang mga suspek at parehong nakulong na rin.
Karamihan daw sa mga parokyano ng dalawa mga mangingisda at tricycle driver.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang baril at dalawang bala.
Mahaharap sa kaukulang reklamo ang mga suspek.