Advertisers

Advertisers

RAKETA NI CONTRACTOR AT NI  DPWH OFFICIAL, GARAPAL!

0 158

Advertisers

Alam kaya ni DPWH Sec.Manny Bonoan na kaliwa’t kanan at mistulang lagareng hamon ang kitaan ngayon ng kanyang pinagkakatiwalaang opisyal at ng isang private contractor na notorious na benggador,matabil ang dila at may pagka-MAKAPILI!.

Humahakot na ng limpak- limpak na kuwarta ang magpartner na ito sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga lutong- Macao na bidding sa mga district at regional levels ng Kagawaran.

Magaling si contractor na naka- base sa eastern part ng Metro Manila at may initial na CD dahil unti- unti niyang nakuha ang tiwala ng partner nyang DPWH official  gamit ang ilang kasapi ng media.



Pero wag ka,may mala- ahas na pag- uugali ito dahil mahilig lumaban ng pailalim.

Ilang regional at provincial official na ng DPWH ang kanyang pinabanatan sa tuwing malalaglag ito sa mga sinasalihang biddings.

Kahit mga congressman ay pinababanatan nito kapag feeling nya ay naiitsa- puwera o nasasapawan ng ibang construction firms ang kanyang kumpanya.

Mahilig pa ito rumekta sa mas mataas na opisyal ng DPWH kapag di nito kayang brasuhin ang hepe ng Bids and Awards Committee (BAC) at ang mismong District Engineer (DE) ng isang sangay ng DPWH.

Kadalasan ay rumerekta ito sa mga regional directors o sa sa mismong Central Office ng Kagawaran kung saan doon nito nakadaupang-palad ang opisyal na tawagin na lang nating Mr. Bob B.



Hindi na mabilang sa daliri ang mga DPWH officials ang pinabanatan na nito sa kanyang mga bayaring media practitioners.

Dahil may tahid na sa pakikipagtransaksyon sa loob ng DPWH,lahat ng raket at palusot sa pagkuha ng mga pilipit na projects ay nagagawa nito.

Lisensiya ng kumpanya ni alias CD ang ginagamit ng mga hao siao na contractors na nakakakuha ng mga kontrata sa Kagawaran.

“Royalty”ang taguri sa modus na ito kung saan ilang mga alagang fly by night contractors ng mga opisyales na DPWH at ng ilang kongresista ang nakikisawsaw sa biddings na isinasagawa.

Bilyones ang natatangay ng magpartner na ito na direktang dinadambong ang pondo ng bayan.

Minsan na ring isiniwalat ni alias CG ang SOP na kinukuha mula sa mga contractors na sumasali sa biddings ng mga district engineers  at mga assistant district engineers nito at ang modus operandi sa sistema sa bakuran ng DPWH.

Ibinulgar ito ni CD sa pamamagitan ng paglalabas ng isang open-letter sa isang pahayagan para sa noo’y DPWH Secretary Roger Mercado at former President Rodrigo Roa Duterte.

Plano rin sanang ilabas ito ni alias CD sa mga broadsheet newspaper bilang paid advertisement ngunit di natuloy dahil na rin sa TILA pinagbigyan na ng ilang DPWH bigwigs ang kapritso at katarantaduhan ng contractor na si CD.

Magmula noon,maluwag nang nakakakuha ng projects ang kumpanya ng tinaguriang Anaconda” na contractor.

Sabagay, di naman magtatagal ang partnership ni alias CD at ni DPWH official,eventually sila rin dalawa ang magsusuwagan at magtatrayduran in the end.

Imagine,paanong magtatagal ang tandem ng dalawang switik?

Parehong gahaman sa kuwarta.

Ang problema lang,habang nagkakamutan ng likod ang dalawang kupal na ito,pondo ng DPWH ang dino-dorobo at kinukulimbat!

Sa susunod, huhubaran na natin ng maskara itong si CD at ang kanyang partner na dorobong DPWH official.

Ingat ka Sec.Bonian sir,may plano rin ang magpartner na  ito na ibangketa ka!

Di na nakuntento sa pambubukol, gusto pa ata,mapalayas kayo Sec Bonoan dyan sa DPWH!

Just to remind you Mr.Secretary,bilyonaryo itong kupal na si CD.

Kayang pondohan ang isang “demolition job” laban sa inyo Sec Bonoan sir!

Ganyan karumi maglaro si CD.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com