Advertisers

Advertisers

Ria at Zanjoe proud na ipagsigawan ang relasyon

0 253

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NITO lang nakaraang Valentine’s Day ay
ni-repost ni Ria Atayde ang post ng bf na si Zanjoe Marudo sa kanyang IG ang sweet picture nila as a couple.
Sa post ni Zanjoe ay kita na tinatanaw nila ang paglubog ng araw sa likod ng mga mountain sa nirentahang place.
Simple heart emojis ang nilagay ni Zanjoe rito.
Sa repost ni Ria sa post ng bf ay may caption ito na “Best Vday ever”.
Maraming natuwa na netizens sa paglantad na rin ng relasyon nina Ria at Zanjoe.
Nagsimula ang magandang pagtitinginan ng dalawa nang magsama na nagselebreyt ng New Year.
Kasama rin si Zanjoe sa vacay ng Atayde family.
At ngayong lantad na ang relasyon ng dalawa ay malaya na nga raw sila na makita na magkasama kung saan-saan.
Aprub naman sa pamilya Atayde ang relasyon ni Ria Kay Zanjoe.
***
GRABENG pag-iyak nang matanong si Vilma Santos sa pagsalang nito sa Valentine’s episode ng Fast Talk ni Kuya Boy Abunda.
Nahaharap kasi di si Luis Manzano sa Fuel Investment Scam.
Hindi na nga napigil ni Ate Vi ang mapahagulgol sa programa ni Kuya Boy.
Ayon kay Ate Vi, kilala niya ang kanyang anak at isa itong mabait at matulungin sa tao at di manloloko.
Kaya naman nagbabala ito sa mga nag-aakusa o nanghuhusga sa kanyang anak.
Sa kanilang banda ay huwag nga raw mag alala si Luis dahil marami ang nagdarasal sa kanya at everything will be fine.
The truth will prevail ayon pa kay Ate Vi at nag-I love you pa ito sa kanyang panganay na si Luis na pamosong extro nito noong may Vilma show pa, ang “I Love You Lucky!”
Well, well, well…Yun na!