Advertisers

Advertisers

GROUNBREAKING CEREMONY OF SIARGAO ISLAND MEDICAL CENTER (SIMC)

0 153

Advertisers

Ang Isla ng Siargao ay matatagpuan sa Silangan ng Tacloban o mas kilala rin bilang “Bali of the Philippines”.

Isa sa pangunahing problema ng isla ay ang kakulangan ng medical facility. Ang pinakamalapit na pasilidad ng isla ay ang Siargao District hospital kung saan merong lamang itong 50 bed capacity, 3 doctor, 2 Medtech at 1 Pharmacist.



Ngunit sa ilang taong pagsisikap at walang sawang pagtutulungan ng National Government, lokal na pamahalaan ng isla at ni Sen. Bong Go sa pangunguna ni Cong. Bingo Matugas ang dating Siargao District Hospital ay gagawin ng Siargao Island Medical Center o SIMC.

Ang newly enhanced SIMC ay nabigyan ng pondo mula sa National Budget nagkakahalaga ng P380-milyon sa tulong nito itatalagang Level 2 Medical facility na ang nasabing Medical center kung saan magkakaroon ito ng 100 bed capacity at ibat ibang department kasama na dito ang mga Consulting Specialist, OB-gyne, Surgery, emergency and outpatient services, isolation and surgical facilities, departmentalized clinical services, respiratory units, general intensive care units, high risk pregnancy intensive unit, NICU and Dental clinic. Ang ancillary services ay mag-uupgrade mula Secondary Laboratory to Tertiary Clinical Laborarory at ang x-ray capacity ay magiging Secon-Level x-ray capacity na may mga mas pinahusay na blood station at pharmacy.

Ayon kay DOH OIC Dr. Rosario Vergeire buo ang suporta ng DOH at ng Pangulong Marcos para sa mga proyektong mas mailapit sa ating mga kababayan ang mga Medical Services and facilities. Ito ay dapat accessible, affordable at available.

Dagdag pa ni Dr. Vergeire na babalik din siya sa mga susunod na linggo para naman sa inagurasyon ng SIMC’s Computerized tomography (CT) scan facility.

Naniniwala naman ang Department of Tourism DOT Caraga Director Ivonnie Dumadag na ang SIMC ay magkakaroon positibo at malaking impact sa larangan ng turismo ng isla.



Ginanap ang groundbreaking ceremony ng SIMC kahapon Huwebes February 16, 2023 ganap na alas-dos ng hapon (2pm) na dinaluhan ni House Speaker Martin Romualdez bilang panauhing pandangal. Kasama din sa nasabing ceremony OIC Dr. Rosario Vergeire and Presidential son Vinny Marcos at ang CEO ng Scheirman Construction na si Mr. William Scheirman.