Advertisers
SA pagdiriwang ng ika-125 kaarawan ng National Artist for Literature 2009 na si LAZARO A. FRANCISCO (February 22, 1898- June 17,1980), iprinisinta sa pamumuno ni School Principal ANNA AUREA MIZONA-BAUTISTA ang Cabanatuan grassroot sports talents ng LAZAROFRANCISCO INTEGRATED SCHOOL, na pinagtapusan ni LOLO SARO ng elementarya, bilang pagkilala na anumang talento o kakayahan ay dapat pagyamanin at suportahan, inspirasyon lalo na sa mga mag-aaral na Pilipino.
Si LOLO SARO, isinilang sa Orani, Bataan, dumayo at nanirahan sa Cabanatuan ay kinilala ng Malakanyang sa mga nobelang makabayan, nagtatag ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Filipino (KAWIKA) at sumulat ng mga aklat topped by ‘DALUYONG’ and ‘MAGANDA PA ANG DAIGDIG’ (translated in English for international level, ’THE WORLD IS STILL BEAUTIFUL’ by UP Professor Dr. MONA P. HIGHLEY), published by ATENEO UNIVERSITY PRESS. Ang special projects ay itinataguyod ng kapatirang CABANATUAN MASONIC LODGE No. 53 na dating pinamunuan ng 2009 National Artist, sa tulong na rin ng Cabanatuan Local Government led by Mayor MYCA ELIZABETH R. VERGARA.
Taunang pagdiriwang ang idinaraos para kay NA LAZARO FRANCISCO sa LFIS kasunod ng pagbabasbas at pag-aalay ng bulaklak sa MUSEONG LAZARO FRANCISCO sa Rizal St, Barangay Bonifacio, Cabanatuan, Nueva Ecija. Ilan pa sa kanyang mga obra ang ‘Ilaw sa Hilaga’, ‘Bayang
Nagpatiwakal’, ‘Sa Paanan ng Krus’, ‘Bago Lumubog ang Araw,’ ‘Binhi at Bunga’, ‘Sugat ng Ala-ala’, ‘Singsing na Pangkasal’, ‘Ang Pamana ng Pulubi’,‘Ama’, at ‘Cesar’. Isang magiting na nobelista ng magasing Liwayway sa kanyang panahon, nananatiling inspirasyon si LOLO SARO sa mga mag-aaral, kapwa manunulat, mga kawani ng gobierno (naging Cabanatuan City Assessor) at maging sa mga atleta natin ngayon, na pinatutunayan ng mga batang atleta ng LFIS.
Saludo kina: Dance Sports Latin Champion (nagbitbit ng gold medal) IBRAHIM ENGLATERA SURATOS, Gr 5, Osmena at NATHANIA LAURIZE BUSTAMANTE UMAYAN Gr4, Del Pilar, Dance Sports Standard (nakahablot naman ng silver medal), GIAN JANREL MANABAT VICENTE Gr4,SSES, MYLES RETSELLE NAVARRO GULAPA Gr4-Bonifacio.
Muling bibitbitin ng bagong grassroot sports talents bilang representatives ang LFIS sa CENTRAL LUZON REGIONAL ATHLETIC ASSOCIATION (CLRAA) Meet, sa darating na Abril 26-28, 2003 sa Zambales under Coach MARIA ASSUNTA B. ATIENZA. KUDOS!
SPECIAL CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to MYRA SANTOS of General Trias, Cavite, to KAREN GAY GATBONTON and XIJIAN EZRAEL CLEMENTE of Bataan. Belated HAPPY BIRTHDAY to RYAN RONALD MENDOZA of AUPC Faculty. Best blessings be with you.
More power to KYLE ALFRED GRIARTE BAUTISTA, Civil Engineer Licensure Examination passer, good luck and more opportunities to come! HAPPY READING!