Advertisers

Advertisers

Malaking tipid ‘pag binuwag ang MMDA, pero sisikip ang mga kalye sa NCR

0 139

Advertisers

TAMA sana itong isinusulong ngayon ng isang kinatawan ng Maynila na buwagin na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) dahil duplication lang ng trabaho ng local government units (LGUs) ang mandato ng ahensiyang ito. Kaso may malaking problema rin kapag nawala ang MMDA.

Kapag binuwag ang MMDA, talagang malaking katipiran ito sa gobyerno, naaayon sa ‘rightsizing program’ ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Ang budget ng MMDA para sa taon 2023 ay mahigit P4 billion!



Ang may panukalang lusawin itong MMDA ay si Manila 3rd District Representative Joel Chua.

Ilan sa mga rason ni Chua para wakasan na itong MMDA ay dahil sa panghihimasok nito sa mga lokal na pamahalaan tulad ng demolisyon ng mga bahay, road clearings, sidewalk clearings, at pagpapatupad ng mga batas trapiko nang walang koordinasyon sa LGUs.

Malaki ang punto rito ni Chua. Opo! Pero malaki rin ang negative effect nito ‘pag nawala ang MMDA. Ano iyon? Titindi ang obstructions sa kalye. Mismo!

Tingin ko, mga kaibigan, ang pinaghuhugutan ni Chua sa kanyang panukalang ito ay ang pag-giba ng MMDA sa mga nakatayong raket ng mga barangay sa sidewalks ng lungsod ng Maynila. Hehehe…

Kung inyong naaalala, mga kaibigan, nitong nakaraang buwan ay may giniba ang MMDA na negosyo ng isang barangay chairman sa Dagupan st., Maynila, kungsaan sinuntok ng chairman ang isang MMDA enforcer. Dahilan para kasuhan ang chairman at arestuhin ito ng mga pulis sa kanyang barangay.



Maliban dito, nilinis din ng MMDA sa obstructions ang Mabuhay Lanes sa Maynila, dahilan para mawalan ng raket ang mga “hari” ng illegal parking na nakasandal sa ilang opisyal ng Manila City Hall.

Isa nga po sa naapektuhan ng paglilinis ng MMDA sa Mabuhay Lanes sa Maynila ay ang distrito ni Chua, ang Binondo area, kungsaan hindi na makaparada overnight sa kalye ang mga sasakyan partikular trucks ng mga negosyanteng supporters ng kongresista. Ha ha ha!!!

Amimin man o hindi, ang mga nakabalandrang truck sa Mabuhay Lanes, hindi lang sa Maynila, ay may “lagay” kung hindi sa barangay ay sa police station o sa nagpapatupad ng traffic ng LGU. Mismo!

Totoo naman ang rason ni Chua na duplication lang ng trabaho ng MMDA ang mga programa ng LGUs.

Ang LGU kasi ay mayroon ding mga departamento na ang ginagawa ay katulad ng mga ginagawa ng MMDA. Tulad sa Maynila, mayroon itong Manila Traffic and Parking Bureau para pangalagaan ang trapiko at kaayusan ng mga kalye. Nandiyan din ang Department of Public Service para alisin ang mga obstruction sa kalye. Kaso hindi naman nila ginagampanan ang kanilang mandato. Nenenegosyo lang nila ang kalye. Mismo!

Tulad nga dyan sa Dagupan st., maluwag sana ang kalyeng ito mula Divisoria patungong Tayuman, kaso sumikip dahil sa mga nakaparang truck ng bigas. Sino sa tingin nyo ang nakikinabang sa illegal parking na ito? Ewan!