Advertisers

Advertisers

Mayor Honey:”Dapat may wow factor ang Ms. Manila!”

0 218

Advertisers

“Dapat may ‘wow’ factor ang Miss Manila.”

Ito ang pahayag ni Mayor Honey Lacuna matapos pangunahan ang muling paglulunsad ng Miss Manila sa Manila City Hall nitong Miyerkules ng umaga.

Ang event, na dinuhan din nina Vice Mayor Yul Servo at Manila tourism head Charlie Dungo, ay tinampukan ng signing ng memorandum of agreement para sa Miss Manila 2023 sa pagitan ng City of Manila at ng Kreativden na kinakatawan ng CEO na sina Zenaida Katerine Valenzuela at Dorothy Laxamana.?



Nagbigay si Lacuna ng maiksing backgrounder kaugnay ng timpalak paggandahan na nagsimula noong 1998 sa panahon ni Mayor Alfredo Lim, pero pansamantalang tumigil dahil sa pandemic at ngayon ay muling inilunsad ng pamahalaang lungsod.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng lady mayor na dapat na mayroong ‘wow’ factor ang Miss Manila at dapat din siyang maging ‘Woman of Worth.’

“She should be true to herself. She has to love herself first before she can love others,” sabi ni Lacuna.

Idinagdag pa ng alkalde na ang Miss Manila ay kumakatawan sa pagiging isang tunay na Manileña at may matatag na paninindigan sa karapatan ng mga kababaihan.

“In other words, dapat po ay may ‘WOW’ factor—a woman of worth. Dapat siya ay isang true leader, a nurturer and of course, a change maker”, pagbibigay diin ni Lacuna.



Nabatid kay Dungo na ang Miss Manila pageant night ay gaganapin sa June 24, 2023 at ang mga lalahok ay dapat residente ng Maynila, nasa 18 at 30 anyos ang edad, single, female, may good moral character at maaring estudyanye o empleyado. Ang lahat ng interesado ay maaaring mag-apply via www.missmanila.ph.

“The project of the city of Manila looks for a Manilena that emobodies the values of empowerment and leadershp to deliver meaningful contribution to her fellow Manilans,” paliwanag ni Dungo.

Ayon pa kay Dungo, top 100 ang pipiliin sa online application tapos ay top 50 naman ang kukunin sa face-to-face audition sa ilalim ng Miss Manila Executive Committee.

Mula dito ay kukunin na ang 25 finalists para sa pageant night. Dito na kukunin ang top 5 kung saan pipiliin ang mananalo bilang: Miss Manila 2023; Miss Manila Charity; Miss Manila Tourism, First runner-up at Second runner-up.

May cash prizes sa mga mananalo maliban sa tatanghaling Miss Manila 2023 na mag-uuwi ng korona at P1 million. (ANDI GARCIA)