Advertisers

Advertisers

PH nasilo ang 5 medalya sa Asian lawn bowls tourney sa Malaysia

0 131

Advertisers

NASILO ng Pilipinas ang 3 ginto at 2 bronze medal sa 14th Asian Lawn Bowls Championship na nagtapos Pebreo 26, sa Perak Lawn Bowls Arena sa Ipoh, Malaysia.

Ang 3 ginto ay kaloob nina Rodel Labayo at Elmer Abayato (men’s pairs), Ronald Lising, Leoncio Carreon Jr. at Hommer Mercado (men’s triples) at Marissa Baronda at Rosita Bradborn (women’s pairs).

Nakuha ni Baronda ang bronze medal sa singles event habang ang ibang bronze medal ay nagmula kina Abayato,Lising,Carreon at Mercado sa Men’s fours event.



“We were confident when we reached the final because we already beat them (Malaysians) in the elimination round. They are our toughest opponents,” Sambit ng 35-year-old Labayo.

Nasungkit nya ang men’s gold medal kasama si Angelo Morales sa 2019 Manila SEA Games.

Dahil sa 3 golds at 2 bronze medals, ang Pilipinas ay nagtapos second overall sa likod ng Malaysia, na nagbulsa ng four golds, two silvers at two bronze. Pangatlo ang India na mai 1 gold, three silver at one bronze medals kasunod ang Thailand (0-2-5) Hong Kong (0-1-4) Singapore (0-0-2).

Napaganda rin ng Pilipinas ang kanilang 2018 performance sa China na nagbulsa ng one silver medal, (women’s pairs nina Bradborn at Sonia Bruce) at two bronze medal mula kina Bradborn,Bruce Hazel Jagonoy at Ronalyn Greenless (women’s fours) at Ainie Knight (women’s singles).

Sinabi ni Greenlees, na Level 2 international coach rin, na ang tagumpay ng team ay produkto ng hardwork at dedication.



Sinabi ng dating pangulo ng Philippine Lawn Bowls Association (PLBA) na ang team ay regular na nagsasanay sa Clark Global City sa Pampanga.

Ang national bowlers, na sinamahan ng coaches Chris Dagpin, Rey Samia, at PLBA president Benito Pascuasl ll at board of directors Gene Lopez, ay dumating sa Clark International Airport sa Pampanga nakaraang Lunes.