Advertisers

Advertisers

Billy Jake Cortez bilib sa husay ni Direk Darryl Yap

0 939

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

SI Billy Jake Cortez ang gumanap sa papel na batang Mel Mathay sa pelikulang Martyr or Murderer. Ito ang sequel ng biggest blockbuster movie ng 2022 – ang Maid in Malacanang, ni Direk Darryl Yap pa rin.
Inusisa namin si Billy kung pang ilang movie na niya ang MOM at kung ano ang naging preparation niya para sa role ni Mel Mathay?
Esplika ng aktor, “Bale po pang-pito po, pero iyong huling medyo significant role ko po ay yung sa movie na Jowable pa noong 2018, na first film ni Direk Darryl.
“Ang preparation ko po was video clips lang po and how Senator Imee (Marcos) would describe him as a good speaker, na malaki ang boses.”
Viva artist ba siya? Wika ni Billy, “Yes, signed na po ako. Vincentiments na kasi ako noon, hehehe. Sabay- sabay po kami nila Direk (Darryl) and direk Roanna na nag-sign noon po sa Viva.
“Direk Darryl used to cast me kapag may character actor na kailangan. Sa totoo lang po, magkakalaban kami noon nila Direk Darryl and Direk Roanna sa mga film festival. When we signed at Viva, all of his projects nagprod ako, minsan extra acting, minsan character.. until we found out na okay naman ako sa harap ng camera kaysa sa likod po.”
Ano ang masasabi niya kay Direk Darryl? “Si Direk Darryl is a visionary, lalo na sa kuwento niya. Mahilig siya sa long takes kaya nakaka-pressure. Ang dulas pa magsulat ng script, wala ka na maisa-suggest na ipabago.
“Personally, he knows kung ano ang potential ng isang tao. And pusher din siya, Hahaha! Pusher siya na gawin ang goals mo sa life. Straight forward palagi, but most of all, mabait sa set si Direk, sa kaibigan, at sa pamilya. Attracted siya sa mga taong may mga pangarap sa buhay,” pahayag pa ni Billy.
Anyway, muling nagpakita ng husay ang mga pangunahing karakter dito tulad nina Ruffa Gutierrez as Imelda Marcos, Diego Loyzaga bilang batang Bongbong Marcos, Ella Cruz as Irene Marcos, pati na ang maids na sina Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo.
Pero angat sa lahat ang matinding performance na ipinakita nina Cristine Reyes at Cesar Montano. Marami nga ang pinaiyak dito ni Cristine lalo na sa death scene ni Cesar bilang dating president Ferdinand Marcos Sr., na talagang mararamdaman ng manonood ang pakiramdam ng isang anak na nawalan ng ama, nang siya lang ang wala sa tabi nito dahil nasa Morocco noon si Sen. Imee.
Kasama rin sa cast sina Isko Moreno, Jerome Ponce, Marco Gumabao, Cindy Miranda, Rose Van Ginkel, Sachzna Laparan, at iba pa.
Dapat abangan ng moviegoers ang mga pasabog na mapapanood sa pelikula, partikular ang mga may kaugnayan sa mga Marcos at Aquino.
Effective ang pagpapakita rito ng actuall footages ng main characters na may mahalagang papel sa takbo ng pelikulang mula sa Vincentiments at Viva Films.
Isa sa highlight nito ang confrontation scene nina Macoy (Cesar) at Ninoy (Isko) na bukod sa puno ng tensiyon, maraming revelation na makikita hinggil sa mga naging kaganapan noon na nagkaroon ng malaking impact sa kasaysayan ng ating bansa.
Ikukuwento rin ng bagong obra ni Direk Darryl ang mga pinagdaanan at naging pagsubok ng pamilya Marcos at kung paano nila ito laging hinaharap bilang isang buong pamilya.
Sino nga ba ang totoong bayani at ang tunay na mamamatay tao?
Maraming mahahalagang revelations sa pelikula na malamang ay ngayon lang malalaman ng maraming Pinoy kapag napanood na nila ang MOM.