Advertisers

Advertisers

Cristine trip tularan ang idol na si Mel Tiangco; Megan babu agad sa mister na si Mikael ‘pag nagloko

0 133

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NGAYONG 2023 ay tumuntong na sa dalawang dekada sa industriya si Cristine Reyes.
Sa tagal na nga sa industriya ay isiniwalat nito ang kanyang mga dream at kahit noong 2003 na sumali sa Starstrucks ay idolo na niya ito.
Ang tinutukoy ni Cristine ay ang newscaster na si Mel Tiangco, as in pangarap pala nito ang pagbabalita.
Si Mel naman daw kasi ang kanyang napapanood noon.
At kahit ang pagiging film writer ay pangarap din ni Cristine dahil sa kanyang pagiging creative.
Sa tagal na sa showbiz ay tsinika ni Cristine na may gagawin siyang comedy film at for a change nga raw.
Ibinida rin nito na may mga gusto itong makasama or makatrabahong magagaling na artista.
Sina Vilma Santos at John Lloyd Cruz daw ang gusto nitong makasama sa project.
Wish ni Cristine na ang dream nito ay will come true para happy.
***
SA pagsalang kamakailan ni Megan Young at hubby na si Mikael Daez sa FT ni Kuya Boy, nagulantang ang mga netizen sa mga naging sagot at desisyon ng beauty queen-actress.
Sa 4 years na mag-asawa nina Megan at Mikael, naitanong ng King of Talk if ever nga raw na malaman ni Megan na mag-cheat ang mister, ano ang puwede nitong ihatol dito.
Gulat ang netizens sa sagot ni Megan at ang lupit ng sagot nito sakaling mag-cheat si Mikael.
Ani Megan, “if ever mangyari ang pag-cheat eto lang, goodbye na!”
Wala na umanong second chance kahit tao lang na nagkakamaki sambit ni Mikael. Buo naman at nanindigan sa desisyon si Megan na goodbye na!
Kaya naman di puwede mag-cheat ni Mikael at alam na nito ang sagot ng kanyang wifey na si Megan.
Well, well, well…’Yun na!