Advertisers

Advertisers

Jake Zyrus pakalat-kalat sa Tate at nakikitira kahit kanino

0 285

Advertisers

Ni WENDELL ALVAREZ

MARAMING nanghihinayang sa career ni Charice Pempengco simula nagpalit siya ng gender at namesung.
Abot na niya sana ang tagumpay nang tinulungan siya ng sikat na American composer na si David Foster na hangang-hanga sa kanyang mataas na boses.
Very proud nga sa kanya ang Filipino community sa US of A nang mag guest siya kina Oprah Winfrey and Ellen DeGeneres na talaga namang pinalakpakan siya nang husto tuwing magbibigay ng awitin sa kanyang interview.
Bihira lang kasi ang mapansin sa bansa ng mga puti lalo na kung galing ka sa isang 3rd world country like the Philippines.
Dahil sa kakaibang talent ni Charice lalo na sa kanyang boses talagang na-penetrate niya ang most powerful na bansa.
Pero kung gaano kabilis ang kanyang pagsikat ay ganuon din kabilis ang kanyang pagbagsak.
Simula kasi nagpalit siya ng pangalan from Charice to Jake Zyrus, marami ang nadismaya lalo sa kanyang boses na pinipilit niyang maging lalaki.
Ayon sa nakalap naming information at nakarating ito sa SNN-Showbiz Now Na, online show namin nina Tita Cristy and Rommel, may nakapagsabi na pakalat-kalat na raw siya ngayon sa Tate at kung kani-kanino na lang nakikitira.
Nakita si Jake (Charice) sa isang maliit na bar karaoke tambayan ng mga Pinoy at hiningan siya ng isang awitin na pinaunlakan niya.
Kinanta niya ang ‘Making Love’ ng Air Supply, naabot niya ang mataas na notes, nagpalakpakan ang audience at may sumigaw, “kaya mo naman pala eh, bakit hindi ka bumalik as Charice”.
Nakita rin namin sa nasabing video na may katabi siyang isang babae, nag-one plus one kami at naisip ko, di kaya iyon ang natsismis sa kanyang isang Pinay nurse na kumukkop at kalaunan naging jowa niya? Abaw Ah!!!
***
PINUPUPOG ngayon si Liza Soberano, ng taga-mainstream media or MsM tungkol sa salitang utang na loob.
Naglabas kasi ang dalaga sa kanyang vlog, di niya raw nagustuhan ang mga pinaggagawa niya nuong nakakontrata pa siya sa isang network na nawalan ng prangkisa.
May mga pelikula siyang ginawa at umabot sa 500 teleserye pero iisa lang daw ang leading man niya (Enrique Gil) at umikot lang siya sa tatlong direktor.
Ang lahat ng iyon ay ikiniwento niya sa pamamagitan ng vlog, isa pa sa hindi niya gusto ay ang screen name niyang Liza kaya pinalitan niya ito ng HOPE.
Siyempre, marami ang nagreak na wala raw siyang utang na loob sa mga taong tumulong sa kanya para sumikat at higit sa lahat, kumita ng pera kaya nakabili siya ng bahay, sasakyan, at nakatulong sa pamilya.
Sa ating mga Pinoy, hindi nawawala ang salitang utang na loob lalo na pag nakatulong ka sa isang tao at napasikat mo ito.
Pero sa tingin ko hindi dapat isumbat kay Hope ang tungkol sa kinita niya kasi nagtrabaho naman siya at sinunod lahat ang gustong mangyari ng mga nakapaligid sa kanya.
Kung nakabili siya ng bahay, sasakyan, tulong sa pamilya, iyon ay regalo sa kanyang sarili para makita ang kanyang pinaghirapan sa pag aartista.
Saka balewala ang utang na loob sa isip ni Hope kasi nga western ang ugali niya. Alam mo naman ang mga millennial, pag kinontra mo sasagutin ka, you are from ‘Old School’…Abaw Ah!!!