Advertisers

Advertisers

Hate pa rin ang amang si Lee…Pokwang plano na palitan ng apelyido niya ang anak na si Malia

0 139

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

GALIT na galit pa rin pala si Pokwang sa live-in partner na si Lee O’Brian. Kaya plano niyang palitan ang surname ng anak nilang si Maila, at isunod na lang ito sa kanyang surname na Subong.
Sa Instagram noong March 1, 2023, sunud-sunod ang pagsagot ni Pokwang sa kanyang followers na apektado sa sinasabi niya sa pagiging toxic ni Lee bilang karelasyon noon.
Suhestiyon ng isang netizen, dapat daw tanggalin na ang apelidong O’Brian ni Malia ngayong hiwalay na sina Pokwang at Lee.
Sabi ng netizen (published as is), “@itspokwang27 ganda ng anak mo Madam, if ako syo sunod mo sa surname mo, hindi worth it gamitin nya surname ng ex mo, Ms. Universe Malia Subong in the making.”
Kinumpirma ni Pokwang na ito ang plano niyang gawin ngayon.
Sagot niya (published as is), “inaasikaso ko na po.”
At ano naman kaya ang magiging reaksyon ni Lee kapag nangyari nga na mapalitan ang surname ng kanilang anak na si Malia?
***
SA pamamagitan ng kanyang Instagram account ay muling nag-sorry si John Arcilla kay Direk Erik Matti na nagpasaring sa kanya at sa Star Magic na humahawak sa kanyang career.
Ang dahilan ng pagpapasaring ng nasabing direktor ay nang kinilala ng senado kamakailan ang inuwi ni John na karangalan sa bansa, nang siya ang tanghaling Volpi Cup Best Actor sa 78th Venice Film Festival noong September 2021 para sa pelikula niyang On The Job: The Missing 8, na hindi niya binanggit ang nasabing pelikula nang magpasalamat siya sa kanyang IG account.
Si Direk Erik ang direktor ng OTJ, kaya nagalit nga ito kay John.
Panimula ni John,”It was not a speech. It was a post.”
Patuloy niya,”The film was mentioned in the senate televised. Then it was on the news that night. So it is already a common knowledge that the Volpi cup is On the Job the Missing 8, Erik Matti and me, and long before even the Senate Resolution was made.”
At dahil daw common knowledge na ito, nagplano si John na magkaroon ng tatlong post upang magbigay pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng kanyang tagumpay.
Una ay para pasalamatan ang mga senador na may akda ng Senate Resolution No. 490, ang pangalawa ay ang gift givers at sa huli nga ay ang resolusyon.
“And third day is to post the RESOLUTION itself and that means we and the film are all mentioned in the Resolution and definitely everything will be on the caption,” pagbabahagi pa ni John.
“I apologized to you at once @erikmatti on my text personally. I even said “mea culpa” even if the plan was to have a three day installation of posts, that could easily be mistaken as an alibi now.”
Ang ibig sabihin ng mea culpa o pag-amin niya ng kasalanan o pagkakamali kaya hindi sila nagkaintindihan ng direktor.
“I did not post these reasons because I wish things to sink in first. But it seems not. The pictures of friendship is for you and our colleagues to realize we have a good relationship, we’re not even enemies and we can actually talk about things like friends, colleagues or at least a team because thats how I see us. Why are we exchanging words on social media?” sey pa ni John.
Nilinaw rin niya kung ano ang ibig niyang ipahiwatig nang i-upload niya ang mga larawan nila kasama si Dondon pati na rin ang video ng nagdaan niyang speeches.
“The repost of speeches is to remind you Direk and everyone that I never failed to recognize the Film which means the issue about the post is totally UNINTENTIONAL and a result of misunderstanding,” sey pa ng award-winning actor.
Muli ay humingi siya ng tawad kay Direk Erik.
“I apologize once again. And yes, I am not the Film and You are not the Film. It is not even the Producer’s, the crew or the production staff per se, we do it to live literally and purposely to dream for a better life.”