Advertisers

Advertisers

“Deathly” Brotherhood!

0 597

Advertisers

DEMONYO, hayop sila. Gusto ko silang makulong, maparusahan sa pagpatay sa anak ko!

Kung may ibang salitang maiisip si Joeffrey Salilig, ito ang itatawag niya sa mga pumatay sa kanyang anak — si John Matthew, 24, na ang pangarap ay maging piloto.

Nagluluksa ang kaanak ni Matt, girlfriend, mga kaklase sa Adamson University sa pagkamatay niya bunga ng mahigit sa 70 malalakas na palo mula sa mga kapatid niya sa Tau Gamma Phi.



Mamamatay-tao ang fraternity na ito, ayon sa sumbong ni Leny Baguio na noong Disyembre 19, 2022, pinatay sa matitinding gulpi ang anak niyang si Rommel, 20, estudyante ng University of Cebu ng mga brother nito sa Tau Gamma Phi.

Sa kabila ng dalawang batas kontra hazing (Anti-Hazing Act of 1995 at RA 11053 of 2018), nagpatuloy ang pagpatay ng mga kabataan sa paniniwala na makatatagpo sila ng pagmamahal ng higit pa sa tunay nakapatid sa dugo sa mga frat na sinalihan.

Sa halip na pagmamahal, kamatayan ang ibinigay ng inaakalang kapatid sa frat.

Naisabatas ang Anti-Hazing Act of 1995 sa pagkamatay ni Lenny Villa, ng Ateneo de Manila University nang mahikayat na sumapi sa Aquila Legis noong Pebrero 10, 1991.
***
Sa kabuuan, ayon sa listahang nakita natin, 16 na ang kasapi ng Tau Gamma Phi na namatay sa hazing: kailan matitigil ito, at kailan mapananagot ang mga pinuno ng “kapatiran” na ito?

Narito, sa research ng inyong lingkod, ang taon, frat ng mga namatay sa hazing.



Hulyo 18, 1954, napatay sa hazing si Gonzalo Mariano Albert, neophyte ng University of the Philippines Diliman nang sumapi sa Sigma Phi.

Ito ang kauna-unahang natala na biktima ng hazing sa Pilipinas.

Sa UP Diliman rin, noong 1967, sumapi si Ferdinand Tabtab, Alpha Phi Omega na namatay sa bugbog.

Sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio, napatay sa hazing si Miguel Arucan, Abril 1, 1969.

Isang kapatid ni dating Sen. Gringo Honasan na sumapi sa Beta Sigma ng San Sebastian College-Recoletos Manila ay napatay noong Agosto 21, 1976.

Naulit noong Pebrero 23, 1978 sa PMA: napatay sa hazing si Manuel Salas, at Nobyembre 1981, sa PMA uli, biktima ng hazing si Andres Ramos Jr.

Sa UP Diliman, Hulyo 1983, Arbel Liwag ng Beta Sigma.

Noong Setyembre 8, 1991 nahatulan sa kasong murder ang nakapatay kay Raul Camaligan ng Lex Talionis, San Beda College, Manila at kasunod, Oktubre 13, 1991, patay sa hazing si Frederick Cahiyang, Alpha Phi Omega ng UP Visayas, Cebu City.

Walang ulat sa pagkamatay ni Felipe Narne ng Araullo University, Cabanatuan City, Nueva Ecija, 1991.

Sa Cavite City, 1991 di nakaligtas si Dennis Cenedoza na kadete ng Cavite Naval Training Center; at 1991 din, biktima ng military hazing si Joselito Mangga, kadete ng Philippine Merchant Maritime Institute, Makati.

UP Baguio City, 1992, Joselito Hernandez, Scintilla Juris; Agosto 6, 1995, napatay si Mark Roland Martin, Epsilon Phi; at kasunod, sa UP Diliman, Agosto 16, 1998, Alexander Icasiano, Alpha Phi Beta.

Taong 2000, military hazing: Ace Bernabe Ekid, PMA; Mayo 15, 2000, Dominante Tunac, police hazing, Philippine National Police Academy (PNPA) Silang, Cavite.

Muli, Marso 10, 2001, napatay ang kadeteng si Edward Domingo, PMA, military hazing; Dalawang kadete ang naparusahan sa kasong homicide ng Baguio Regional Trial Court.

Ito ang unang pagkakataon na isang korteng sibilyan ang humawak sa kaso ng mga kadete ng PMA.

Military hazing uli, Abril 7, 2001, Monico de Guzman, PMA at Mayo 2, 2001, Fernando Balidoy, military hazing, Philippine Merchant Maritime Academy (PMMA), San Narciso, Zambales.

Agosto 4, 2001, Rafael Root Albano III, Sigma Mu ng Far Eastern University (FEU), Manila.

Police hazing ikinamatay ni Jeoffrey Andawi, PNPA, Cavite, Enero 5, 2002.

Sa Pilar, Capiz, Casanayan National High School, Emerson Berry Jr. ng Beta Sigma Rho 2003; at Agosto 2004, Jonathan Bombase, Alpha Phi Omega , Partido College, Goa, Camarines Sur.
***
Oktubre 2, 2005, Dan Robert Talibutab, Kapatiran ng mga Kabataang Kriminolohiya, St. Therese — MTC Colleges-Magdalo, Iloilo City.

Enero 14, 2006, Marlon Villanueva, Alpha Phi Omega, UP Los Banos, Laguna, dito, nahatulan ng life imprisonment sa ilalim ng Anti-Hazing Act of 1995 ang dalawang kasapi ng Alpha Phi Omega.

Marso 3, 2006, Clark Anson Silverio, Tau Gamma Phi, Technological University of the Philippines, Manila: Mayo 6, 2006, Jan Angelo Dollete, Alpha Phi Omega, Capiz State University, Roxas City, Capiz.

Tau Gamma Phi uli, napatay si Dennie Africa, Agosto 18, 2006, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, Muntinlupa City; Enero 28, 2007, may nabiktima uli ang Tau Gamma Phi, si Mark Rodriguez, Central Luzon State University, Science City of Munoz, Nueva Ecija; at muli, Marso 11, 2007, Ronald Sequena; at muli, Marso 11, 2007, Ronald Sequena, Tau Gamma Phi, Palawan State University, Puerto Princesa City.

Agosto 27, 2007, si Cris Anthony Mendez, Sigma Rho, UP Diliman, at muli, Agosto 2, 2008, napatay si Chester Paulo Abracias ng mga brother niya sa Tau Gamma Phi, Enverga University, Lucena Ctiy, Quezon.

Muli, 2009, sa Davao City, Karl Anthony Gaudicios, Tau Gamma Phi Tau Gamma Sigma, Holy Cross of Davao College, Davao City.

Military hazing, Philippine Army, Enero 24, 2009, Josephus dela Rosa, Training and Doctrine Center (TRADOC), Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.

Oktubre 2, 2009, John Vincent Bernat, Alpha Kappa Rho, Northern Mindanao State institute of Science and Technology, Butuan, Agusan del Norte; Oktubre 12, 2009, Elvis Sinaluan, Scouts Royale Brothehood, namatay sa Alfonso, Cavite.

Oktubre 22, 2009, napatay si John Daniel Samparanda, Tau Gamma Phi, Lyceum of he Philippines University — Cavite, General Trias, Cavite.

Nobyembre 14, 2009, Glacy Monique Dimaranan, Scouts Royale Brotherhood, Lakeshore National High School, Binan, Laguna.
***
Abril 15, 2010, Daniel Lorenz Jacinto, Mapua University, Manila; Hulyo 18, 2010, Menardo Clamucha Jr., Kapatiran ng mga Kabataang Kriminolohiya, University of Iloilo, Iloilo City.

Agosto 15, 2010, EJ Karl Initia ng Alpha Phi Omega, University of Makati, Makati City.

Oktubre 27, 2010, Noel Borja Jr., Tau Gamma Phi, DepEd Alternative Learning System, Manila.

Mayo 2011, Erik Apura, military hazing, PMMA, San Narciso, Zambales.

Setyembre 15, 2011, Nor Silongan, Tau Gamma Phi, Notre Dame of Tacurong College, Tacurong City, Sultan Kudarat.

Pebrero 19, 2012, Marvin Reglos, Lambda Rho Beta, San Beda College, Manila.

Hulyo 30, 2012, Marc Andre Marcos, Lex Leonum Fraternitas, San Beda College, Manila.

2013, John Mark Dugan, collegiate hazing, Maritime Academy of Asia and the Pacific, Mariveles, Bataan.

Hunyo 28, 2014, Guillo Servando, Tau Gamma Pi, De La Salle-College of Saint Benilde, Manila: Nobyembre 2, 2014, Areil Inofre, Tau Gamma Phi, Southern Luzon State University, Quezon.

Hunyo 24, 2015, Christian dela Cruz, True Brown Style Fortunato F. Halili, National Agricultural School, Santa Maria, Bulacan.

Setyembre 30, 2015, Anthony Javier, Tau Gamma Phi, Western Mindanao State University, Zamboanga City; Setyembre 17, 2017, Horacio Castillo III Aegis Juris, University of Santo Tomas (UST), Manila.

Setyembre 18, 2019, Darwin Dormitorio, military hazing, PMA, Baguio.
***
Pebrero 16, 2020, Omer Despabiladeras, Tau Gamma Phi, Solis Institute of Technology, Bulan, Sorsogon.

Agosto 9, 2020, Robert John Limpioso Fernandez, Alpha Kappa Rho, Surigao City.

Nobyembre 15, 2020, Joselito Envidiado, Tau Gamma Phi, Zamboanga National Hig School West, Zamboanga City.

Hulyo 6, 2021 Jonash Bondoc, PMMA, Zambales.

Setyembre 23, 2021, George karl Magsayo, police hazing, PNPA, Silang, Cavite.

Marso 20, 2022, Reymarc Rabutazo, Tau Gamma Phi, high school student sa Kalayaan, Laguna.

Hulyo 26, 2022, Jaypee De Guzman Ramores, police hazing, Philippine National Police, San Jacinto, Masbate.

Setyembre 18, 2022, August Caesar Saplot, Alpaha Kappa Rho, University of Mindanao, Davao City.

Mga kabataan, mag-ingat sa pagsapi sa mga frat na “mamamatay-tao!”
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.