Mayor Honey, pangungunahan ang “Oplan: Libreng Sakay”

Advertisers
BILANG bahagi ng paghahanda sa isang linggong malawakang tigil pasada ng mga jeep, pangungunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagpapatupad ng “OPLAN: LIBRENG SAKAY” ng pamahalaang lungsod sa Lunes, Marso 6, 2023.
Inatasan din ni Lacuna ang Manila Police District (MPD) sa ilalim ni Directdor PBGen. Andre Dizon, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) adviser Dennis Viaje, at Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles na magpakalat ng mga sasakyang makakatulong sa mga posibleng stranded na mga pasahero hanggang matapos ang transport strike.
Nabatid mula kay Lacuna na alas-5 palang ng umaga ng Lunes, ang MPD, MTPB at MDRRMO ay magkakalat na ng 10 buses, 17 pick-ups, tatlong trucks, dalawang transporters at isang command unit.
Personal na pamumunuan ng lady mayor ang monitor at deployment ng mga nasabing sasakyan sa Lunes ng umaga, simula sa Kartilya ng Katipunan.
Ang lahat ng mga sasakyan na idi-deploy ay kakaunin ang mga pasahero at magbibiyahe sa mga nasabing ruta: Vito Cruz Taft Avenue to Quezon Blvd; Espana Blvd to Welcome Rotonda; Abad Santos Avenue to R. Papa Rizal Avenue; UN Taft Ave to R. Papa Rizal Avenue;Recto Ave to SM Sta Mesa; UN Taft Ave to P. Ocampo St; Monumento Rizal Ave to Divisoria; Buendia Taft Ave to Divisoria;Buendia Taft Ave to Monumento Rizal Ave and Buendia Taft Ave to Welcome Rotonda.
Bilang karagdagan, sinabi ng alkalde na available din ang e-trikes at libre itong maghahatid ng mga pasahero sa mga secondary roads sa Maynila. (ANDI GARCIA)