Advertisers
Dumaan man ang matinding kontrobersiya ay buong tatag na hinaharap ang kasalukuyang pamumuhay na anumang hadlang ay hindi maigugupo ninuman ang sinumang taong may mapagmalasakit na puso
Isang halimbawa nito ay ang PROMINENT ENTREPRENEUR na si ROSE NONO LIN na bagama’t dumanas sa kontrobersiya hinggil sa PHARMALLY PHARMACEUTICAL. CORP. na nakakopo sa bilyong pisong halaga para maging supplier ng COVID MEDICAL EQUIPMENT gayong ang investment capital ay wala pang isang milyong piso.
Si ROSE LIN at asawang CHINESE BUSINESSMAN na si WEI XIONG “JEFFREY” LIN ay walang kinalaman sa PHARMALLY.., kundi ang kanilang dapat na itatayong negosyo ay ang PHARMALLY BIOLOGICAL AND PHARMACEUTICAL CO na laan dapat sa MEDICINE MANUFACTURING COMPANY sa ating bansa.
Dumanas man sa halos ikagupo ng pagkatao ng mag-asawa sa nasabing kontrobersiya ay hindi namahay sa kanilang puso ang pagkagalit at sa halip ay hinarap ang bagong yugto sa kanilang buhay na matapos mabigo sa pagkandidato nito para maging CONGRESSWOMAN sa kanilang distrito sa LUNGSOD QUEZON ay tuloy ang pagseserbisyo publiko ni ROSE LIN.., ika nga, hindi lang sa pangangampanya para sa pagiging politiko ang naging agenda ni ROSE LIN kundi ang tunay na serbisyo pangkomunidad na ang napagtutuunan nito ngayon.
Tulad na lamang nitong nakaraang buwan na umasiste at nagbigay katulungan si ROSE LIN para sa libreng gamot para sa mga bata at matatanda sa BARANGAY STA. LUCIA, QUEZON CITY.
Nitong nakaraang buwan ay nagdonasyon naman si ROSE LIN at asawang si WEI XIONG “JEFFREY” LIN ng isang SEA AMBULANCE para sa GUIMARAS PROVINCE.
Ang SEA AMBULANCE ay may mga kasamang stretcher at life jackets na pangunahing pangangailangan para maibiyahe ang pasyente mula sa isla patungong ospital sa ILOILO CITY..,kung saan ang GUIMARAS ay isang isla na magiging malaking katulungan ang ambulansiya upang maisalba ang mga residenteng nasa emergency situations.
Dapat ang lahat ng mga politiko ay maging katulad ni ROSE LIN.., na kahit hindi pinalad na maihalal sa pagiging CONGRESSWOMAN ay nananatili pa rin ang nakagawiang pagtulobg sa kumunidad.
Mga ka-ARYA.., sa tagal ko na sa propesyon ay marami na akong nakilalang mga politiko na pawang PAKITANG-TAO lamang ang pagtulong.., na tumutulong lamang kapag nasa puwesto at kung wala na sa puwesto o natalo sa eleksiyon ay hindi na makikita pa sa mga COMMUNITY SERVICE.
Kung ang mga POLITICIAN natin ay maging katulad ni ROSE LIN ay siguradong mas bibilis ang progreso ng SAMBAYANAN lalo na yaong mga kapos-palad.., ika nga, dapat ay SINSERO ANG PAGSASAGAWA NG COMMUNITY SERVICE at hindi ang PABALAT-BUNGA lamang!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.