Advertisers

Advertisers

Arci actress na, businesswoman pa; Coco nakipagrakrakan sa Baguio

0 385

Advertisers

Ni JULIE E. BONIFACIO

PINASOK na rin ni Arci Muñoz ang pagnenegosyo. At kakaiba ang negosyo ni Arci kasi pang-global market ang kanyang produkto.
“We partnered with the official BT21 merchandise in (South) Korea. So, ako rin po ang CEO noon,” pagbabalita ni Arci.
Hindi naman lingid sa marami na super fan si Arci ng sikat na KPop group, ang BTS. Isang certified BTS army member si Arci.
Ang BT21 merchandise ay mga character na nilikha ng sikat na KPop group na BTS. Bawat isang character ay representation ng bawat member ng BTS. Kaya may siyam din na characters ang BT21 merchandise na ni-launch noong January, 2023.
Ang name ng mga characters na nilikha ng BTS ay sina Universtar BT21, Koya, RJ, Shooky, Mang, Chimmy, Tata, Cooky at Van.
“Through the merchandise na nabibili ng BTS fans, at least madali na ang access to buy them sa official store. Hindi peke and I’m always in Korea meeting with these people,” pagbabalita ni Arci.
At least, nagkaroon pa ng negosyo si Arci sa pagiging diehard BTS fans. Milyong piso na rin naman ang nagastos niya sa pagbili ng mga BTS merchandise.
This time, pagkakakitaan na rin niya. Although, sabi nga ni Arci sa amin, kakaibang happiness naman daw ang binibigay sa kanya ng pagiging BTS army, tawag sa fans ng sikat na KPop group.
“What do I like about them? Everything,” ngiti ni Arci. “They inspire me in so many levels. So, hindi ko po ma-explain eh. I guess if it is really just to make you happy hindi mo na kailangang i-explain kahit kanino.”
Pero kahit faney na faney daw siya ng BTS, never daw niyang gagawin ang maging stalker ng grupo.
“No, no. I will never go to that level,” diin niya.
Hindi alam ni Arci kung kilala siya ng BTS. Pero yaw daw niya kasi nahihiya siya. Sapat na raw na nakikita niya ang grupo.
When asked kung plano ba niya na i-feature ang BTS sa bago niyang happy travel and food lifestyle mini-series about gastronomic adventures of Arci Muñoz titled “Arci’s Mundo,” maybe later pa after ng apat pa na Asian countries na naka-schedule na. But for sure, magta-travel shoot din siya sa South Korea.
“Sa ngayon, magpa-pang-apat na kami next week. Sa Asia po muna. We went to Vietnam first. And then, Cambodia. Tapos po magma-Malaysia kami and Indonesia. Tapos, Hongkong.”
Bukod sa “Arci’s Mundo,” prinodyus din ang bagong pelikula ni Arci na pinamagatang “Kabit Killer” directed by Njel de Mesa.
It’s a farcical dark comedy, ayon kay Arci. Tungkol sa isang hired-woman-assassin targeting mistresses from around the globe goes back home and finds out her husband has a mistress.
Sa Cambodia, Malaysia, Indonesia, at sa Philippines nag-shoot si Arci.
“Pinahanap ako talaga ni Direk. He wanted daw to pitch a movie for me. So, ayun. Nag-pitched siya sa akin. ‘Yung kwentuhan, parang nandoon ako ng lunch hanggang dinner. Nagkwentuhan lang kami and then, ‘yun nag-collaborate kami.
First time lang daw niya magkaroon ng travel and food show.
“I’ve been traveling a lot so, like last year tumira ako sa States for eight months ng ‘di sinasadya. And then, when I was there nag-ano po kami, mga inter-state. Nag-rent kami ng trailer and then, inikot-ikot ‘yung mga states sa US ng best friend ko.
“So, sabi ko, kung may ganito ako’ng opportunity, binibigyan ako ni God ng chance to travel and explore the world, I want to share it with people also. Kasi uhm, sobrang fan ako ng hsitory, ng culture and food. So, sabi ko, sayang. Kaswal lang na napag-kwentuhan namin. Sabi ko, ‘Direk, gusto ko’ng magkaroon ng travel show.’
“Sabi niya, ‘Sige, gawin natin.’ The next day nag-book na kami. Nasa Vietnam na kami, ganoon,” kwento pa ni Arci.
***
SINALUBONG ng napakaraming tao ang Primetime King na si Coco Martin, kasama ang iba pang cast members ng “FPJ’s Batang Quiapo,” sa Panagbenga Kapamilya Karavan sa Baguio City noong Marso 4 (Sabado).
Nakipagrakrakan si Coco sa libu-libong tagahanga na nagtipon sa paligid ng Burnham Park nang kantahin niya ang “Beep Beep” ng Juan De La Cruz band, suot ang signature nitong porma na leather jacket at shades.
Kasama ng lead star ang iba pang cast members na sina Smugglaz, Bassilyo, Norvin at Lovely Dela Pena, Ghost Wrecker, Ryan Martin, Jojit Lorenzo, Ronwaldo Martin, Sugar Ray Mammoth, Bigmak, Baby Giant, at Sen. Lito Lapid na nagpasaya sa mga tao sa kanilang nakatutuwang sorpresa at pagtatanghal.
Ang “FPJ’s Batang Quiapo,” sa pangunguna ni Coco bilang “Tanggol” at Lovi Poe bilang “Mokang,” ay umere noong Pebrero 13. Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa serye dahil nakakuha ito ng 44 milyong views sa unang linggo ng pagpapalabas.
Panoorin ang mga maaksyong eksena ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, TFC IPTV, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Ang Panagbenga Kapamilya Karavan ay pangatlo pa lamang sa mga aabangang caravan ngayong taon na naging posible sa pagsisikap ng ABS-CBN Regional, ABS-CBN Events, Kapamilya Channel Regional, MOR, at A2Z Regional.