Advertisers

Advertisers

Higit P7.4m shabu nasamsam sa raid sa Bataan

0 177

Advertisers

MAHIGIT P7.4 milyong halaga ng shabu (crystal meth) ang nasamsam sa pagsalakay sa isang bahay sa Mariveles, Bataan nitong Miyerkules.

Kinilala ang naaresto na si Noel dela Cruz, 38 anyos, na nakuhanan din ng .45-caliber pistol at box ng ammunition sa police operation sa Barangay San Isidro.

Nasamsam ang kabuuang P7,480,000 halaga ng shabu mula kay Dela Cruz, sabi ni Colonel Romell Velasco, Bataan Police director.



Isinailalim naman ang isang menor-de-edad na kasintahan ni Dela Cruz sa kustodiya ng local social welfare and development office.