Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
CONFUSED and lost pa rin daw si Arra San Agustin dahil sa paghihiwalay nila ng PBA player boyfriend na si Juami Tiongson.
October last year daw sila naghiwalay at aminado si Arra na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa nangyari.
Four years daw kasi sila nagkarelasyon at nagmahalan.
“Last talk namin was first week of January, that`s when we really cleared things out. Kasi `di ba kapag nagbe-break naman kayo minsan you go back and forth pa rin. It was painful in a sense na, sa sarili ko naisip ko na I can no longer find another man who`s exactly like him, `cause he`s my standard now. He`s so good, he`s really good, he`s a good guy, his family is good, he`s perfect,” aniya.
Ang dahilan daw ng kanilang break-up ay ang pagiging busy ni Arra sa kanyang career. Ang trabaho daw ang naging dahilan para ma-outgrow nila ang kanilang feeling sa isa`t isa.
“In four years of my life parang lagi lang kaming nasa house, wala na masyadong growth. Pero dahil sa trabaho ko, I have to be proactive, so minsan nabe-blame ko siya dahil hindi ko nagagawa yung ibang gusto kong gawin. Unahin ko pa rin yung sarili ko dapat,” say ni Arra.
Pero sa ganda ni Arra ngayon ay siguradong dadagsain siya ng mga manliligaw, kaya wala siyang dapat ipag-alala, Magmula nang maging kapartner siya ni John Lloyd Cruz sa isang sitcom ay mas lalong lumutang ang ganda at kaseksihan ni Arra kaya siguradong maraming kalalakihan ang maghahangad ng kanyang puso.
***
SA halip na magalit ay natawa na lang si Ice Seguerra sa basher na tinawag siyang pangit. Ipinagtanggol naman siya ng isang supporter na nagngangalang Nora.
Ipinost ni Ice ang screenshot ng comment ng basher at ang sagot ng kanyang tagapagtanggol na supporter.
Ang comment ng basher, ‘ang pangit mo pre, mapera ka lang.’
Sagot naman ng tagapagtanggol ni Ice, “inggit ka lang siguro kay Ice. Kababayan ko siya. Hinde sya pangit no eksakto lang. Saka ano ba pakialam mo sa mukha ng tao? Pinakialaman ka nya ba? Kung di mo sya gusto shut up your big mouth ok???”
Nilagyan naman ni Ice ng highlight ang statement na, “hinde sya pangit no eksakto lang.”
Tawa nang tawa si Ice sa kanyang caption and obviously ay naaliw din siya sa sinabi ng kanyang tagapagtanggol.
“So may nang bash sa akin sa FB page ko. Pangit daw ako. Buti na lang, to the rescue si Ate Nora para sabihing hindi ako pangit…
“Sakto lang. Hahahahahahahha!!! Love ko na si Ate Noraaaa!!! She`s so honest ! Hahahaha!!!” caption ni Ice.
Dinagsa din ng tawanan ang comment section. Maging ang kapwa niya celebrities ay nagsipag-comment.
“Doon tayo sa sakto!!!” comment ni Ogie Alcasid.
Sabi naman ni Vina Morales. “Ehhhhh ang cute mo kaya.”
Si Moira naman ay tawa nang tawa ang naging reaksyon.
Maging ang mga netizen ay tawa nang tawa rin at may kanya-kanya rin silang comment. May nagsabi ok lang ang sakto kaysa naman kulang. May nag-comment ding, “sana all sakto lang.”
Samantala, masaya si Ice sa piling ng kanyang live-in partner na si Liza Dino at walang puwang ang mga basher sa kanilang masayang pagsasama.
Ayon nga kay Ice, wala silang tinatapakan tao kaya walang dahilan para maging bitter sa buhay. At wala rin silang panahon para patulan ang mga basher na wala naman maitutulong kundi mang-inis at mamintas.