Advertisers

Advertisers

Audrey Avila game sa frontal nudity

0 2,143

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

PALABAN sa hubaran at lampungan sa pelikula ang hot na talent ni Jojo Veloso na si Audrey Avila.
Kabilang sa nagawa niya so far ang Manila Erotica, Balik-Taya, Suki, Domme, at Stalker. Sa ngayon ay ginagawa na ng sexy actress ang 7th project niya sa Vivamax.
Unang project pa lang niya sa Vivamax ay tumodo na agad siya sa hubaran.
Kuwento ni Audrey, “Manila Erotica was my first movie under Viva and talagang nagulat ako kasi pang malakasan agad. Like threesome sa sinehan, ganoon! Ang kasama ko that time sila Akira Jimenez and Zian Amande. Masaya naman, ibang klaseng experience rin.”
Ano ang limitations niya sa pagpapa-sexy?
Sagot niya, “Wala. Kahit anong ibigay sa akin gagampanan ko. Kasi eto na yung pinili kong career eh and masaya naman ako sa ginagawa ko. So yeah, it is what it is.”
Game ba siya sa frontal nudity? “Yes na yes! Wala tayong uurungan. Even without plaster game pa rin!” Palaban na wika pa ni Audrey.
Nasubukan na ba niyang gumawa ng project na nag-all the way siya sa paghuhubad?
Esplika ng Vivamax sexy actress, “Yes po. Sa Manila Erotica and Stalker. Iyong eksena kasi roon, super hot and wild talaga.”
Nabanggit din niya ang pinaka-challenging na role na natoka sa kanya, so far.
Aniya, “For me yung pinakanagustuhan ko pong role is yung trainee ako ni Ava sa movie ni direk Roman na Domme. Kasi na-satisfied po ako sa acting ko roon and talagang nag-step up ako sa comfort zone ko when it comes to acting. Since gaya nga ng lagi kong sinasabi, ‘Di ko kayang magalit’.
“Pero roon sa movie, kasi sa role ko parang tino-torture namin si Marco, so may part na galit talaga ako and super-happy and challenging siya at the same time, para sa akin.”
Dagdag pa ni Audrey, “Ang mga cast po ng Domme ay sina Ava Mendez, Ali Asistio, Marco Gomez, Mark Anthony Fernandez and Ada Hermosa. This March po iyon ipalalabas sa Vivamax.
“Iyong Stalker po, last Sunday March 12 po ay palabas na siya sa Vivamax. Series po siya bale, yung scene ko po roon is sa Episode 3.”
Happy ba siya sa takbo ng kanyang showbiz career ngayon?
“Yes po! Actually ‘di ko ine-expect na aabot ako sa ganitong point na mag-e-excel talaga sa showbiz. Kasi ‘di ko naman po pinangarap maging artista. Gusto ko lang i-share yung talent ko sa pag-acting. I like to entertain and perform pero di ko expected na magtutuloy-tuloy yung takbo ng career ko sa Vivamax.
“Super-happy ako right now, kasi rati napanood ko lang yung isang movie ng Vivamax sa Facebook, pirated pa. Tapos ngayon ako na yung pinapanood ng mga tao. Nakakatuwang isipin na yung mga napapanood kong artista sa Vivamax dati, kasama ko na ngayon sa work,” masayang pahayag pa ni Audrey.