Advertisers
Nagsagawa ng buy bust operation ang Caloocan PNP nang makatanggap ng impormasyon sa iligal na pagbebenta ng mga walang lisensyang armas sa lungsod.
Sa ulat ni Caloocan City Chief of Police PCol.Ruben Lacuesta kay Northern Police District Director BGEN.Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ang suspek na si Oda, Romnick y Mabunga, 24 anyos, ng Phase 8A, Block 120, Lot 3, Package 11, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.
Sa One Time Big Time Operaion ng pulisya, naaresto ang suspek, alauna ng madaling – araw sa Phase 8 , Green Valley, Barangay 176 Bagong Silang kung saan nakuha sa suspek ang 1 caliber.38 na may 6 na bala, at isang sling bag
Sasailaim sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office ang suspek na nahaharap.sa kasong paglabag sa R.A.10591. (Beth Samson)