Advertisers
Patay ang 12 anyos na mag-aaral at 28 ang sugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Diffun, Quirino.
Sa ulat, nangyari ang insidente sa bahagi ng Barangay Gregorio Pimentel.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, idinahilan umano ng driver ng jeep na nawalan ng preno ang sasakyan kaya nangyari ang insidente.
Makitid din umano ang daan sa naturang bahagi ng bundok. Kasama rin iniimbestigahan ng awtoridad na overloaded umano ang jeep.
Pababa umano sa sentro ang naturang jeep na siyang sinasakyan din ng mga estudyante pagsapit ng Biyernes.
Sinusubukan pang makuhanan ng pahayag ang kaanak ng biktima, habang wala pang pahayag ang driver ng jeep.