Advertisers

Advertisers

Eumir Marcial hindi kasama sa SEA Games

0 178

Advertisers

TINIYAK ni Tokyo Olympic middleweight boxing bronze medalist Eumir Marcial na hindi ito makakasama ng Philippine team na lalahok sa Southeast Asian Games sa Cambodia sa buwan ng Mayo.

Sinabi nito abala na siya sa pag-akyat niya ng timbang para sa professional boxing career.

Huling laban kasi nito ay ng mapatumba sa loob ng ikalawang round laban kay Argentine veteran boxer Ricardo Villalba sa San Antonio, Texas noong Pebrero.



Pinaghahandaan ng 27-anyos na boksingero ang susunod na laban niya ay maaring sa buwan ng Hunyo o Hulyo.

Noong nakaraang tatlong linggo din aniya ay sumailalim siya sa operasyon sa Los Angeles.

Pinatanggal niya ang namuong laman sa kaniyang kanang kamay.