Advertisers

Advertisers

PAANO NA?

0 338

Advertisers

MAY mga kumakalat na iba’t ibang balita tungkol sa formal investigation ng International Criminal Court (ICC) sa sakdal na crimes against humanity laban kay Rodrigo Duterte at mga kasapakat. Ipinipilit na mga balita na kumakampi umano ang gobyerno ni BBM kay Duterte at mga kaalyado. Pilit na ipinalalabas nga mga ilimuom na makakalusot si Duterte sa kanyang pananagutan sa mga libo-libong na pinatay kaugnay sa madugo pero bigong giyera kontra droga. Pawang hindi totoo ang mga iyan.

Ang totoo ay hindi malinaw ang gagawin ng gobyerno. Kinakapa pa ang tamang kalibrasyon sa mga gagawin. May panukala hinggil sa pagbuo ng isang inter-agency crisis committee na ang pangunahing tungkulin ay harapin ang formal investigation ng ICC sa sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasapakat. Hindi dapat talikuran ang mga obligasyon natin sa ICC. Ito ang tamang timpla sa pagharap sa usapin ni Gongdi.

Malinaw ang desisyon ng Korte Suprema noong 2021 tungkol sa isyu ng pagtiwalag ng Filipinas sa Rome Statute, ang tratado na bumuo sa ICC. Hindi libre sa pananagutan si Rodrigo Duterte at mga kaalyado sa iresponsable na giyera kontra droga. Hinding-hindi makakatalikod si Gongdi at mga kasapakat sa mga obligasyon na papanagutin sila noong panahon na kasaping-bansa ang Filipinas sa ICC. Malinaw na malinaw.



Kinilala ng desisyon ng Korte Suprema na may obligasyon ang bansa mula 2011 nang sang-ayunan iyan ng Senado hanggang ika-17 ng Marso, 2019 at kailangan makipagtulungan ang gobyerno ng Filipinas upang mapanagot si Duterte sa naturang petsa. Sa maikli, kailangan ipatupad ng gobyerno ng Filipinas ang anumang desisyon ng ICC kaugnay sa sakdal na crimes against humanity na iniharap sa ICC nina Sonny Trillanes at Gary Alejano, Rise Up for Life and for Right, ang NGO na kumakatawan sa mga pamilya ng mga biktima ng EJK, at iba pang grupo na nagtataguyod sa karapatang pantao.

Ayon sa Korte Suprema: “Consequently, liability for the alleged summary killings and other atrocities committed in the course of the war on ·drugs is not nullified or negated here. The Philippines remained covered and bound by the Rome Statute until March 1 7, 2019.” Sa maikli, kinilala ng Korte Suprema ang mga pananagutan at obligasyon ni Gongdi at mga kasapakat sa kanilang digmaan kontra droga.

Kinilala ng Korte Suprema ang obligasyon ng gobyerno ng Filipinas na na kailangan ipatupad ang utos at desisyon ng ICC. Ang malaking tanong ay kung paano ipapatupad. Papayag ba si BBM na ipadakip si Gongdi at mga kaalyado at gamitin ang Philippine National Police (PNP) sa pagdakip. Malaking tanong na masasagot kapag mayroon ng crisis committee.

Alalahanin na ginamit ni Gongdi ang PNP sa kanyang malawakang digmaan kontra droga kung saan libo-libo ang pinatay dahil sa hinala na sangkot sila sa pagtutulak at paggamit ng bawal na gamot. Maraming opisyal ng PNP – retirado at nasa active duty – ang sangkot sa mga EJKs. Walang makakapagkaila ng kanilang ginawa noong nasa poder si Gongdi.

Isa itong palaisipan sa isip ng publiko. Sa ganang amin, ang pagpapatupad ng utos ng ICC ang paraan upang linisin ng PNP ang pangalan bilang institusyon na sangkot sa mga patayan noong panahon ni Gongdi. Labis na nadungisan ang pangalan ng PNP ng pumayag itong pagamit kay Gongdi sa kanyang kriminal na aktibidad. Kung kinakailangan hulihin pati ang opisyal ng PNP na nagpagamit kay Gongdi, hayaan natin. Hayaan natin na dakpin ng PNP ang kanilang kabaro.



***

HINDI namin alam kung sino ang abogado na nagpayo kay Gongdi na ang pagtiwalag ng bansa sa ICC ang paraan upang malusutan niya ang pananagutan sa pagkamatay ng libo-libong biktima ng EJK. Wala kasing umaamin sa isyu na iyan. Hindi namin alam kung nahihiya kahit na sa tingin namin ay dapat talaga silang mahiya. Mistulang mga anito na nagtago sa dilim ang sinuman na nagpayo kay Gongdi.

Kung si Harry Roque man iyon, mali ang ibinigay na payo kay Gongdi. Itinulak sa bangin ang payo niya. Imbes na tulungan si Gongdi, nadala sa kapahamakan ang tila bangag na lider. Ipinakain ni Roque sa pating o buwaya ang kanyang amo. Ipinapakilala ni Roque ang sarili bilang isang “expert” sa international law. Gawain niya ang ganyan kahit natawawa ang marami sa kanyang pagpapanggap.

May batayan na paghinalaan si Harry Roque dahil siya ang nagbando na nagkaroon sila ng konsultasyon ni Gongdi ng “ilang oras.” Hindi binanggit ni Harry kung ano ang mga detalye ng mga pinag-usapan, saan nagana pang konsultasyon, at ilang oras ang kanilang ginugol. Basta nagkaroon sila ng konsultasyon, tapos.

***

TAKOT ang Tsina sa pamamalagi ng Estados Unidos sa bansa at pagpapalakas ng dalawang bansa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kahit Linggo, nagtrabaho ang Chinese Embassy sa Maynila at nag-isyu ng pahayag na tanging ang Estados Unidos ang makikinabang kung maglalagi ito sa Filipino. Inuulol tayo ng Tsina sa walang kuwentang pahayag na ito.

Ikinatwiran ng Tsina na nakakagambala ang Estados Unidos sa katahimikan at katatagan ng Silangang Asya. Ipagpaumanhin ninyo dahil mukhang hindi naiintindihan ng Tsina ang Tsina. Ang Tsina ang malaking aswang na nakakagambala sa kapayapaan ng rehiyon. Ang Tsina ang nangangamkam ng ating teritoryo, nagnanakaw ng ating isda at yamang dagat, nanakot sa ating AFP at Philippine Coast Guard, at kumuluha ng ating likas na yaman tulad ng mga metal at iba pa. Wala tayong pakinabang sa Tsina.

Hindi natin kaibigan ang Tsina dahil mapanuwag ito sa maraming bagay. Hindi natin dapat pagtiwalaan ang Tsina lalo sa ating likas na yaman. Kaaway natin ang Tsina at hindi tayo dapat makipagkaibigan. May matwid sa mga panukala na isara natin ang ating Embassy sa Peking. Magbukas na lang ng konsulado at hindi pasuguan. Iparamdam natin sa Tsina ang ating galit sa masamang trato nila sa atin.

***

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “”Kailangan talaga mag level-up na ang tapang ng AFP. Also close all POGOS, EXPEL Chinese ambassador, close diplomatic office in Davao. Expel all Pogo workers. Put on hold all projects. PCG plane warned by Chinese Coast Guard in WPS | ANC” – Bob Magoos, netizen, kritiko

“Once bought, he stayed bought.” – Harold McMillan on Francois Darlan, the French collaborator with Nazis

“With the slow turnout of people availing COVID vaccines plus those expiring in March and September, Sen Francis Tolentino sees the volume of expired vaccines to reach to over 60M. In response, DOH Usec Vergeire says, they are doubling their public info drive and partnering w LGUs.” – Sherrie Ann Torres, netizen, journalist