Advertisers

Advertisers

Cristine at Marco ayaw pa ilantad ang relasyon; Vice Ganda at Kuya Kim iniintriga ang pagkakaibigan

0 228

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGPASARING noon si Vice Ganda kay Kim Atienza sa show nilang It’s Showtime nu’ng ni-like nito ang ilang tweets ng ilang netizens na tinawag siyang bully, main star diva, at laitera.
Nag-ugat ito sa pambabara umano ni Vice kay Karylle sa February 2, 2023 episode ng nasabing noontime show.
Hindi nagustuhan ng fans ni Karylle ang pananabla ni Vice, at noong araw ring iyon ay umamin si Vice na sablay siya sa inakto sa kanilang show kay Karylle.
At nag-tweet din si Kuya Kim at inilarawan si Karylle na kind soul na hindi magagawang magsabi ng negatibong komento sa iba.
Tila hindi ito nagustuhan ni Vice. Kaya nga nagawa niyang paringgan si Kuya Kim.
Sabi ni Vice: “Tapos maraming magla-like-like para involved sila.
“Yes, trending din siya. Nakuha niya yung gusto niya.
“Ikaw talaga Kuya.”
Obvious na ang tinatawag na kuya ni Vice ay si Kuya Kim.
Sa panayam ng Pep.ph kay Kuya Kim, hiningan siya ng comment tungkol sa pagpapasaring sa kanya ni Vice.
Ayon kay Kuya Kim, huwag na raw sanang palakihin ang isyu dahil okey na naman daw silang dalawa ng binansagang Unkabogable Star.
Sabi ni Kuya Kim,”Vice and I are friends, magkaibigan kami. Misunderstood lang siguro.
“In social media, it’s very easy to misunderstand a certain post and they put a lot of meaning to things that don’t have meaning.
“Ano lang naman ‘yun, parang wala lang.”
Nang tanungin kung nag-usap sila ni Vice, sabi ni Kim, “Nag-usap kami, oo. Wala na yun, huwag na lang palakihin,” sagot ni Kuya Kim.
At least, okey naman pala sina Vice at Kuya Kim.
***
SPOTTED lagi sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na magkasama at sweet na sweet sa isa’t isa. Kaya naman hindi maiiwasang mag-isip ang nakakakita sa kanila, na may namumuo na silang relasyon.
Kahit si Ogie Diaz ay nag-iisip, na may something na ngang namamagitan kina Cristine at Marco. Kaya tinext niya si Marco para tanungin kung sila na ba ni Cristine.
Ang reply sa kanya ni Marco, si Cristine na lang daw ang tanungin.
So base sa naging reply ni Marco kay Ogie, mukhang sila na nga ni Cristine at ayaw lang ng aktor na sa kanya manggaling ang confirmation.
Kung hindi pa kasi sila, dapat ang naging sagot ni Marco kay Ogie ay hindi sila ni Cristine, di ba?
Si Cristine kaya, kapag siya naman ang tinext ni Ogie para tanungin kung sila na ni Marco, ano kaya ang magiging sagot nito? Aamin kaya siya?
Pero kung sina Cristine at Marco na naman, walang magiging problema. Pareho na naman kasi silang single. Si Cristine ay hiwalay na sa dating karelasyon na si Ali Khatibi, kung saan ay nagkaroon sila ng isang anak na babae na si Amarah.