Advertisers

Advertisers

David nahuli sa akto sa CR ng babae

0 148

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA celebrity confessions ng Cosmo, nagkaroon ng pagkakataon na sagutin ni David Licauco ang ilang personal na bagay tungkol sa kanyang pribadong buhay.
Aniya, first thing daw niyang ginagawa pagkagising ay ang umorder ng iced latte sa Starbucks at kumain ng pandesal.
Most memorable travel experience raw naman niya ang biyahe niya sa Japan dahil bukod sa pagkain ay bet niya ang mga pasyalan at kultura rito.
Anumang okasyon na kasama niya ang kanyang mga faney ang maituturing niyang most memorable fan encounter para sa kanya.
Biggest fan din daw siya ng American sports legend na si Kobe Bryant.
Katunayan, iniyakan daw niya ang pagkamatay nito noong 2020.
Biggest celebrity crush naman niya si Heart Evangelista.
Isa rin daw siyang hopeless romantic na nakaranas ng kanyang first heartbreak sa girl noong grade 6 siya.
Turn on daw naman sa kanya ang isang babaeng goal-oriented.
Pakiwari niya, ang paglalaro ng basketball ang talent na hindi niya napakikinabangan.
Hindi rin daw aware ang kafaneyan niya na sa tunay na buhay ay super shy siya at mabilis kumain.
Most embarrassing experience raw naman niya ay noong nagkamali siyang pumasok sa CR ng babae kung saan nahuli siya sa akto ng mga kababaihan sa iskul.
Minsan na rin daw siyang na-barangay dahil sa kanyang kapilyuhan.
Ito raw ay noong nambulabog sila sa kapitbahay ng kaibigan nang paulit-ulit nilang pindutin ang buzzer ng house nito.
Sa ngayon, nagpapasalamat si David dahil sa kanyang newfound popularity pagkatapos ng tambalan nila ni Barbie Forteza sa nagtapos na historical epicserye na “Maria Clara at Ibarra.”
Pagkatapos din ng nasabing serye, patuloy pa ang paghataw ng kanyang karera lalo pa’t maraming plano ang GMA-7 para sa chinito actor.