Advertisers
NATISOD ng PLDT ang third seed sa 2023 Premier Volleyball League All-Filipino Conference matapos idispatsa ang Choco Mucho sa four sets, 21-25,25-23,25-23,25-16, Huwebes sa Philsports Arena.
Nagsanib puwersa sina Mean Mendrez at Mika Reyes para tulungan ang High Speed Hitters na tapusin ang elimination round sa 6-2 win-loss rekord.
Bumakas si Mendrez ng 21 points, 18 attacks, two aces at block, habang si Reyes may 18 points, 13 attacks,four blocks at ace.
Dahil sa panalo ay nakapasok sila sa best-of-three playoffs, kung saan makakaharap nila ang second-ranked Petro Gazz.
Jovy Prado nagtapos ng triple-double na 12 points,13 excellent digs, at 10 excellent receptions.
Palomata at Morente nag-ambag ng 12 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.
Rhea Dimaculangan nagdagdag ng 25 excellent sets para sa High Speed Hitters,habang si Kath Arado komulekta ng 31 excelent digs.
Kat Tolentino at Molde umiskor ng tig-14 puntos, habang si Des Cheng nagdagdag ng 13 points,13 digs, at 12 receptions para sa Flying Titans na tinapos ang kanilang kampanya sa sixth na may 2-6 rekord pinakamasama simula pumasok sa liga noong 2019.
Makakatous ng PLDT ang Petro Gazz sa semis 6;30 PM Sabado sa parehong Pasig venue.