Advertisers

Advertisers

5 tulak timbog sa Caloocan

0 190

Advertisers

Arestado ang limang drug personalities, kabilang ang isang babae nang makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng droga sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang mga naaresto na sina Sherwin Galope, 27, Jose Gabriel Cuesta, 25, Juan Mortera alyas “Kang-Kang”, 23 at Eurica Mae Dela Cerna, 21, mga residente ng Quezon City.

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr., 5:00 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo ng buy bust operation sa Edsa Corner J. Mariano Street, Barangay 95.



Nakumpiska sa mga suspek ang nasa P136,000.00 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana at shabu.

Nasakote din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Abbey Road 2, Barangay 73, ala-1:00 ng madaling araw si Luigi Angelo Mediavillo alyas “Tata”, 35 ng 445, PNR Cmpd.

Nakumpiska lay Mediavillo ang nasa 10 grams ng shabu na may standard drug price P68,000, buy bust money

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">